A letter to my little one
Ngayon lang ako gumawa ng letter para sa anak ko, and it means a lot to me. Kindly take time to read 🧡 My Dearest Jasmine, December 4, 2021 - the best day of my life, yan nung ipinanganak kita. 24 hours labor pero nakangiti pa ako noon dahil masaya ako na lalabas ka na anak. Ang tagal kong hinintay, nung buntis pa ako, everyday ko pa tinitingnan sa theAsianParent app yung development mo, natutuwa ako kasi bawat nabubuo sayo nalalaman ko, saka kung ano yung mga bawal at pwede ko kainin, yung ibang pagkain kahit gusto ko pero bawal, tinitiis ko talaga para sayo. Bago ka lumabas non, every week nag-iisip ako ano pang kulang na gamit mo, kahit doble doble na gamit mo gusto ko pa din ibigay para sayo, kahit alam kong hindi mo pa magagamit, at mga gamit mo na may burda ng pangalan mo, lahat ng yon, para sayo dahil ikaw ang pinaka iniingatan at mahal namin. Nasa tiyan pa lang kita palagi na sinasabi ng daddy mo na kukumpletuhin namin ang bakuna mo, gusto namin anak protektado ka, na hindi na kami mag-iisip pa kung paano kung mahawa ka o humina ang katawan mo, anong gagawin namin? Kapag nangyari yun, sarili namin agad ang sisisihin namin anak, nag-iisa ka lang, all it takes to make you protected ay pupunan namin. Ngayong mag 7 months old ka na anak, kompleto ka na sa bakuna, at kinokompleto sa ngayon ang boosters mo, kapag magpapabakuna ka anak palagi kong sinasabi sayo na para sayo din yan, mas mahirap ang walang bakuna anak. Alam kong safe and protected ka kasi buntis pa lang ako non, nagpabakuna talaga ako para sa atin, tinanong ko pa sa obgyne ko non kung pwede ang flu vaccine sa buntis at pwede naman daw 😊 Jasmine ko, baby namin, Catcat/Bachuchay/Ching-Ching, ikaw ang tahanan ko. Dahil sayo kaya ako nabubuhay. Maraming beses na napagsasabihan kita, kasi napapagod na ako pero kapag titingin na ako sa mukha mo na kawangis naming dalawa ng daddy mo, napapawi na lahat. Tulad namin ni baby Jas, gusto namin na maging protektado at healthy ang lahat. Take a pledge na po, pag click niyo ng link baba may mga information din na pwede niyo malaman sa content hub namin, feel free to browse 😊 para malaman niyo din ang kahalagahan ng bakuna sa buong pamilya lalo na sa mga anak natin na mahihina pa ang resistensya, i-click lang ang link sa baba ng aming content hub at mag sign-up to take a pledge, yan ay para mangako tayo na gusto natin ng isang buong pamilya na protektado sa mga sakit na kayang agapan ng bakuna. Here's the link: https://ph.theasianparent.com/category/building-a-bakunation Maraming salamat sa time mo kaibigan sa pagbabasa nito, na-appreciate namin ni baby Jas, have a wonderful day ahead and may God protect us from all kind of sickness! #BuildingAbakunation #TeamBakuNanay #theAsianparentPH #VIParentsPH