UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Regardless of whatever is happening right now in your life.. Do not ever think of aborting your child. If all else fails, Kahit pa tingin mo lahat ng bagay hndi nag w-work out wag na wag mong isipin na ipalaglag yung anak mo. Gawin mo syang source of strength na harapin ang lahat, kayanin ang lahat at tanggapin lahat ng bagay na hndi na mababago. I've been through hell too.. and naisip ko din minsan na ipalaglag baby ko.. pero after non mag ssorry ako sa baby ko na nasa tyan ko, wala syang kasalanan sa lahat ng nangyayari sakin ngayon o sa mga taong nasa paligid ko. Kung pinaka madilim na parte to ngayon ng buhay mo .. isipin mo na sa kabila ng mga nangyayari blessing ang baby mo na ibinigay ni God para kayanin mo lahat. A baby is angel in disguise given to us by God. You and your baby don't deserve that kind of guy like ur bf.. his family doesn't deserve you both too. And about your own family? Time will come that they will forgive you and matatanggap din nila yon. Give them time ..after all oras lang ang makakapag hilom ng lahat. Okay na kayo nalang ng baby nyo kesa ang magtiis sa mga tao sa paligid mo ngayon. And when everything is done? And forgotten? You'll be so thankful na hndi mo ipinalaglag yung anak mo. And Mind you.. Killing an innocent baby is grave sin. Kung tingin mo this is the darkest moment of ur life.. then behold after you abort that ... more misfortune and sadness awaits you for killing an angel. Pwede mo ko imessage for more deep conversation i won't sugarcoat things just to satisfy you with the answer you want to hear...i'll just be true.

Đọc thêm

Hello po. I am 24 years old po. (And 1st pregnant ko po / may 2020 due sa bb girl po namin) I'm not sure if ur going to take my advice po since I am young but ito lng po yung opinion ko po. I do understand, masakit po yung ginawa sa inyo. As I was reading ur story, nalungkot po talaga ako But to be honest po wala po kasing kasalanan si baby. Yes it is a big sin na ipalaglag cya and ang guilty and karma po nyan. Again po hindi naman po yan kasalanan ni baby. Please dont lose hope and always pray to the Lord. We women can move forward without a partner. Maraming single mom po jan and they don't care what other people think kasi important po is you and your baby. It may recall the memoriea ng partner mo but u and ur baby has a different story. Ur baby is a Gift from God and if di kayo lucky sa partner ninyo, ur baby will love you if give it a chance to live. Meron naman po other options po, pwede naman po ipa-ampon yung baby. But sana po sis you will give ur baby a chance to experience life at its fullest. Please do pray for guidance po. Di ka po papabayaan ni Lord. Trials lng po yan. My mom, naghiwalay sila ng papa ko nung 1 year old po ako kasi abusive yung dad ko but look at me now. Nabuhay ako ng walang papa. Yes, natural lng noon na na stress si mama but wala cya nag isip na ipalaglag ako. Wala kaming kaya but she managed na mapalaki po ako ng maayos. I will be forever thankful to her. Sis, i may not know how hurt you are but please always pray to God and give ur little angel a chance to experience life :) Don't lose hope and God bless you always!

Đọc thêm

Cheer up sis.. .Always remember God is always there for us. ...Be positive always lalo na ngayon sa sitwasyon mo...Nabuntis din ako sa 1st baby ko noon na wala sa oras,I mean hindi pa kami kasal noon ng asawa ko...Ive been in dilemna also during my 1st trimester...Binalak ko rin noon magpakamatay para makaiwas sa kahihiyaan ang pamilya ko but in the midst of that thinking,I prayed and ask God for enlightenment..Until 1 day God gave me the courage to open up my situation with my co teachers who are closed to me...And I am so thankful because instead of judging me...they gave me pieces of advice on what should I do....I also ask guidance from my family(with my sister in law/my brother's wife)..They are the one who have me courage to continue my pregnancy and not to harm myself and my baby...and now,I am now married with the father of my child and soon to have a son soon....Pakatatag ka sis,walang kasalanan ang baby sa sinapupunan mo now...Sa ngayon, all I can is "Buti nalang di ko noon tinuloy balak kong magpakamatay"...Dahil ang batang balak ko noon saktan dahil sa pagpapakamatay ko ay siyang nagbibigay saya at tatag ko sa tuwing may problema at pinagdadaaanan ako...Children are blessings from God sis...Hindi man natin yan ramdam sa una dahil sa mga pinagdadaanan natin while having them...darating ang panahon mararamdaman at makikita mo halaga nila sa buhay mo... i know u can be a good mother,so please don't hurt your child in your womb... If you cannot lean on with your bf's fam right now,ask your own family's help.... God bless you and your baby sis...

Đọc thêm

Kung nagawa mo maging bread winner for your family WHY YOU CAN’T DO IT ON YOUR OWN CHILD?. Ang pag papalaglag mo sa bata is hindi dahilan para lumaya ka sa BF mo, maybe lumaya ka sa kanya if ginawa mo tanggalin ang bata sa tyan mo, pro ang palagay mo ba mapapalaya ng konsensya mo ang gagawin mo pag papalaglag. Akala mo lang hindi mo kaya, akala mo lang hindi ka matatanggap ng magulang o pamilya po lahat yan akala mo lang tandaan mo walang MAGULANG ANG NAKAKATIIS SA ANAK at ikaw bilang isang magulang na dahil may bata sa tyan mo wag mo ipagkait sa kanya ang pakiramdam ng arugain ng isang ina. If ndi kaya mag pakatatay ng bf mo sa anak mo its ok wag mo isipin o pansinin ang sasabihin ng iba. YOU HAVE TO BE PROUD TO YOURSELF AS A SINGLE PARENT DAHIL NAGAMPANAN MO ANG OBLIGASYON AT RESPONSIBILIDAD BILANG ISANG MAGULANG.. Oo mahirap sa umpisa pro dapat sya ang gawin mo inspirasyon para mas lalo maging matatag. Nasasabi ko ang lahat ng yan coz I am a proud SINGLE MOTHER OF 3 CHILDREN FROM 3 DIFFERENT MAN. Ang saklap ng buhay minsan tinatanong ko din sarili ko bkt ba natuto pa aq mag mahal at magtiwala? Pro instead magFOCUS aq kung bkt lhat sila iniwan o ndi aq pinanagutan alam ko may dahilan si LORD at tinuro ni LORD sakin kung paano mas lalong maging matapang at malakas pra sa mga anak ko.. Basta for me hindi sagot ang pagpapalaglag mo pra kumawala sa BF mo wag mo gamitin dahilan ung bata na wala nmn muang pa sa kamunduhan, ikw ang maging ilaw at haligi nya sa buhay na binigay mo sa kanya. One day you will be proud na binuhay mo ang bata. 🤗

Đọc thêm

Ito ha payong kapatid, una, kapag nambabae o babaero ang lalaki wag kang maniniwalang magbabago yan para sa'yo. Kung gusto nyang magbago dapat bago ka pa nakilala. Pangalawa, kilalanin ang boyfriend at ang pamilya nya. Huwag umoo ng basta basta. Dapat alam mo kung anong klaseng pamilya sila. Kung ayaw ng pamilya nya sa'yo make sure na mahal ka ng lalaki kasi sya ang makikipaglaban para sa'yo. Pangatlo, lagi mong ipaalam sa magulang mo o mga kapatid mo ang nangyayari sa buhay mo. Kung may boyfriend ka ipakilala mo sa kanila. Hindi porke may trabaho na eh akala mo kung sino na tapos pag nagkaproblema ganyan ang mangyayari. Lalo na yan, bread winner ka pa. Dapat aware ang pamilya mo kung ano na ang pinapasok mo sa buhay kasi umaasa sila sa'yo. Para naman ready din sila kung anuman. At ang pinaka-importante, magagabayan ka nila. Minsan kasi ang mindset ng breadwinner pwede na nya gawin lahat kasi sya naman nagpapakain sa mga magulang nya. Malaki ang pagtingin ko sa mga breadwinner, at dahil mabuting gawain ito sana hindi natin kalimutan na kelangan parin natin ang gabay ng mga magulang natin. Pang-apat, pag nagdesisyon ka sa buhay mo dapat alam mo na may consequences. Nakipagsex ka, mabubuntis ka. Ipapalaglag mo yan, may balik yan sa'yo. Pang-lima, magdasal ka. Minsan wala talagang ibang panlaban kundi dasal. Hindi maitutuwid ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Makipaghiwalay ka sa bf mo, magtapat ka sa magulang mo at buhayin mo ang bata. Walang kasalanan yan. O sya uwi na sa nanay at tatay mo, magsimula ka ulit. May God bless you.

Đọc thêm

Keep the baby sis. Wag mo din isipin magpakamatay dahil parehas hindi tama ang magpalaglag or magpakamatay. Naiintindihan kita na ganyan ka and tama lang na nag vent out ka kesa sinasarili mo. And advice ko sayo is, love yourself and the baby. Forgive the father and if he wants to stay with you and the baby then keep him too since sabi mo ayaw mo mawalan ng ama ang bata. But, if the father would rather stay dun sa kabit nya, let him go. Base sa kwento mo about the father parang di rin naman sya kawalan kaya pakawalan mo nalang if ayaw nya magstay kasi lalo ka lang masasaktan. Masakit sa umpisa but u'll be strong in time. Time heals everything. With regard sa pamilya mo, hindi kahihiyan ang magkababy (kahit wala sya ama) blessing yan! Always remember that. And im sure na matatanggap din nila si baby and besides nasa tamang edad ka naman. Kahit bread winner ka pa ng family mo theres always a way to raise a child. Stay strong mommy. Walang binibigay si Lord ng hindi natin kaya. Lastly, hindi deserve ng bata mabura sa mundo dahil sa pagkakamali ng magulang nya. It may seem inconvenient now, but good things will always happen. And also, please surround yourself with positive people sa buhay mo, like ur friends. Wag ka magmukmok, pwede ka pa din naman mag enjoy kahit buntis. P. S pero kung ako nasa position mo talaga, iiwan ko na yung guy. You deserve better. And if ever man iwan mo yung guy, dont be scared financially. We have laws to protect us, ipaglaban mo yun. He should provide child support! Laban lang!

Đọc thêm

Wag mong ipalaglag yan ate.. Ako nga kinakaya ko, 2 din kaming nabuntis ng bf ko ngayon. Isa niyang nabuntis teacher taga commonwealth, ako kagagraduate lang ng college, ahead lng ako dun sa teacher pero kinakaya ko kasi iniisip ko anak ko, oo masakit na masakit minsan di ko maiwasang di umiyak kapag naiisip ko panloloko niya sakin, alam ko din na nag kokontakan pa sila kahit sinasabi niya sakin na di niya daw kokontakin yun, yung anak niya lang dun kelangan niya, papanagutan niya daw anak niya dun, mag iipon daw siya para sa anak niya dun at sa anak niya sakin, ang maskait pa dun nakipag hiwalay siya sakin nung isang araw lang, sabi pa niya kunh kami daw e di kami.. Kabuwanan ko na next month pero kinakaya ko para sa anak ko.. Oo kapag nag ttext or nag chachat siya nirereplyan ko naman, ang alam ng pamilya ko papanagutan ako nung bf ko pero hindi na pala, ayokong ipaalam kasi masasaktan sila l, gusto ko sakin na lang yun.. Ayokong ilabas kung anu estado namin.. Partida di pa tanggap ng oamilya niya anak namin ata ayaw niyang ipa apelyido sa kanya yung baby kasi daw galit siya sa tatay niya.. Okay naman sakin na wala kami pero sana ipa apelyido man lang niya sa kanya, di na nga tanggap ng parents niya anak ko pati ba naman apelyido pag kakait niya, di naman ako pinapabayaan ng bf ko kasi hanggang sa manganak ako sasamahan ako, pero nangako din siya dun sa isa na sasamahan niya daw din manganak yun december ata mnaganganak yung isang girl. Godbless na lang saknila kaya ako sayo ate WAG MONG PAPALAGLAG YAN.

Đọc thêm

Hi mommy. Stay strong. Wag mo na isiping ipalaglag si baby. Wag mo na isama yan sa choices mo. Kung hindi ka susuportahan ng family ng bf mo, edi hayaan mo nlng. For sure kaya mo naman tumayo sa sarili mong paa. Hindi mo sila need kung di rin nila gugustuhin anak mo Share ko lang mommy, nagkasakit anak ko. Pneumonia. And may nakasama kami sa ward na batang nagkasakit dn ng pneumonia. Nakita ko kung pano sya namatay. Pano nagCPR mga doctor sakanya. Ansakit kasi 1yr old lang yun pero bat kailangan nya yun maranasan. Isipin mo mommy, angel yan e. May dahilan bakit binigay sayo yan. Madaming mga magulang dyan na namamatayan ng anak pero walang magawa. Ikaw wag mo patayin yang anak mo dahil lang sa katarantaduhan ng bf mo. Wala naman syang kasalanan sa nangyari. Hindi nya kasalanan na nabuo sya. Hindi nya din yan choice kaya sana wag mo sayangin Ako din buntis ako nung nalaman kong may ibang babae jowa ko. Panganay ako at inaasahan ako ng pamilya ko. Inisip ko din yan gawin. Pero hindi ko tinuloy. Ngayon 2nd month na ng baby ko bukas. Naiinis ako sa sarili ko kasi naisip kong magpalaglag dati. Ansarap kaya sa feeling na may baby ka. Ancute cute pg nagssmile sya. Sobrang worth it lahat ng hirap kahit na halos madepress ako nung nagbubuntis ako. Hndi kita kilala pero sana maging strong ka. Tignan mo nageffort ako magcomment ng pagkahaba haba haha basta mommy gawin mo best mo para maging healthy si baby sa tyan mo. Mahirap magsisi sa huli. At wag kn magpastress. Nararamdaman din yan ni baby mo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Please read this🙂 Im 16 years old po going 17 this may at ngayong may narin napo ako manganganak, sobrang bata kopapo para maging ina diba? Nung nalaman kopong dinako nireregla alam ko ng buntis nako nun dahil regular naman ako and then sinubukan ko ipalaglag but this effective makapit po si baby then nung 4months nalaman na ng bf ko. Now magkalive in kami andito po ako sa bahay nila🙂Madaling araw napo sya umuuwi dahil sa inuman or galaan ng mga tropa nya, ilang beses kona syang nahuli mambabae, sobrang toxic po ng ugali nya, pag galit ako galit din sya kaya ako gumagawa ng way para maging okay kame kahit kasalanan nya, no choice po ako dahil andito nako sa sitwasyon nato🙂 i feel you momshie pero diko po masyadong iniisip ngayon yun dahil malapit na lumabas si baby☺️karma nalang po bahala sa kanya, dinaman po ako nagsisisi na nakilala kosya dahil sumaya naman po ako. Nangarap ako ng maganda at buong pamilya dahil broken family po ako pero dina ata matutupad yun🙂kapag diposya nag bago at patuloy parin posya sa gawain nya hihiwalayan konapo sya sinabe kona sa kanya yun. Ngayon po iniisip kopo kung paano ko magagawang palakihin ang baby ko dahil first time mom no experience papo syempre hehe🙂momshie may panginoon po tayo na laging nanonood at nasa tabi natin☺️pakiramdaman molang sya momshie promise worth it ngayon pong grade 11 ko somuch struggles naranasan ko kahit gantong edad po ako pero kausapin nyolang sya one day makakalaya po tayo❤️wait that day, godbless po satin

Đọc thêm

Hi, hope this enlighten you, wala pong kasalanan yung bata, kahit isumpa mo na yung tatay wag mo lang idadamay yung bata, ayaw ka ng magulang nung lalake? Oo masakit tanggapin pero wag mo intindihin dahil hindi mo kawalan yun, hindi ikaw ang nanloko kundi yang lalaki at ang pamilya nya, let the karma do its job, hindi mo kasalanan, nagmahal ka lang ng maling tao pero hindi mali ang bata sa sinapupunan mo, tatagan mo loob mo, magusap kayo ng bf mo, hindi pwedeng pabayaan nya kayong dalawa ng anak mo, may karapatan ka. Alam naming mahirap, pero lakasan mo loob mo. Kung hindi man ikaw ang piliin ng bf mo, panagutan nya kamo yung bata, maraming single mom ngayon na dumaan din dyan sa "kahihiyan" pero pinili nila buhayin yung bata, mas nakakahiya kung ipalalaglag mo yung bata dahil lang natakot ka lumaban. Wag mo hayaang manalo yung panlolokong ginawa nila sayo. Ipalalaglag mo yung bata tapos makikipaghiwalay ka? Tapos sa mga susunod na araw bitbit mo yung guilt na may pinatay kang inosenteng bata habang sila masaya? Tatagan mo loob mo. Labanan mo. Ganyan na ganyan din nangyari sa mama ko, may sinabay na babae ang tatay ko sa relasyon nila at mas piniling pakasalan yung pangalawa kesa sa nanay ko, pero di naisip ni mama na ipalaglag ako at ang kapatid ko, nilaban niya kami at itinaguyod despite sa kahihiyan na inabot nya. Kinalimutan nyang mahal nya tatay ko at sinumpa nya ito sa galit. Wag mo idamay yung bata. Yan yung taong magmamahal sayo, talikuran ka man ng mundo.

Đọc thêm