UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sis im sorry sitwasyon mo. Pero sis ni kailanman hinding hindi naging solusyon ang ipalaglag mo ang bata para lang matakasan mo lahat ng problemang hinaharap mo. Tandaan mo sis simulatsapul pa lang eh choice mo, niyo pa rin kung nabuo man ang bata o hindi. Sis, di lang sarili natin ang iisipin natin sa sitwasyon natin ngayon. May dala kang precious life sa sinapupunan mo na HINDI LAHAT meron niyan. Yung iba gabi2x ng umiiyak dahil sa infertility nila. Yung iba matagal n nilang inaantay na magkababy sila. Yung iba desperado na at kahit anong paraan na ang sinusubukan makabuo lang sila. Kahit pa ikaubos man ito ng kayamanan nila. Tapos tatapusin mo lang buhay niya? Alam kong its easy said than done pero sis kung di ka na masaya, di buhay ni baby ang tapusin mo kundi ang relasyon mo sa lalakeng niloko ka to the point na nahantong ka sa ganitong magulong desisyon. Siya ang di healthy sayo hindi si baby mo. At sa family mo nmn, naiintindihan kong ikaw ang breadwinner pero since breadwinner ka nga sana nmn magpakita sila ng suporta sa bawat sakripisyong nilaan mo sakanila. Pero alam ko nmn d lahat makkaunawa. Pero sis ito p b yung time na isipin natin reputasyon natin? Dahil ba nabuntis ka eh ganyan na kababa tingin mo sa sarili mo? Walang mali kung may nabuhay na precious life sa sinapupunan mo. Nagkataon lang siguro na ang unhealthy ng environment mo pero sis, ganun talaga. Di natin maplelease ang lahat. The best thing you do right now is to do what is right. Buhayin mo ang precious baby mo. Mag dasal ka ng maimtim Sis. Mahalin mo ng buong buo ang bagong buhay na dala2x mo at higit sa lahat, SELF LOVE. Yun yung kailangan mo sis. Mahalin mo sarili mo at sana isang araw sapat n sarili mo at si baby mo para harapin ang lahat. Sis, di ka pababayaan ng ni Papa God. Ika nga God will provide. Focus on your blessings more than every negative na nagbobother sayo. Pag gising mo bukas, yun pa lang blessing na yun sis. Appreciate every blessing you receive. At sana one day i can see a post from you na talagang binuhay mo si baby. WE WILL ALL BE PROUD OF YOU SIS kung ibubuhay mo yan at mamahalin mo ng buong buo. ❤

Đọc thêm

I was in the same situation before. Ako pinili ng guy pero after almost 5 years of being together naghiwalay din kami, something na I will always be thankful for kasi lumaya na din ako. Sa loob ng mga taon na yun, hindi maganda pinagsamahan namin. Ang nagpaganda lang sa pagsasama namin nun ay yung anak namin na 10yrs old na ngayon. Yung anak ko ang naging hero ko nun kasi binago nya buhay ko. Nagkaron ng direksyon. Nagka negosyo ako at dahil sa kagustuhan ko na mabigyan ng magandang buhay ang anak ko nun kasi naging inspiration ko siya kahit gago ang tatay nya, ayun di ko sukat akalain na ang laki na ng kunikita ko everyday. Isang buwan na sweldo ng iba, isang araw ko lang at nagawa ko yun mag isa. Then, I met another man. He became the father of my second child at ng pangatlo ko na pinagbubuntis ko ngayon. Kung gaano ka gago ang una kong asawa, ganun na man kabait ang pangalawa kong asawa. Complete opposite silang dalawa. Leksyon sa story ko? Go for it. Walang kasalanan ang baby mo. Ikaw na mismo nagsabi na ayaw ng pamilya ng partner mo sa baby mo, pati ba naman ikaw aayawan ang baby mo? Wag ganun. Pagpatuloy mo ng mag isa. Pag lumabas na baby mo, yung pamilya mo tutulong din sayo. Mawawala din inis nila sayo. At yung partner mo, mas ok iwan mo na siya. Wag mo na pahabain pa ang pagdurusa mo. Dun na sya sa kabit nya. Ok lang walang tatay ang anak mo. Hindi ka nag iisa. Maraming single moms jan. Mas ok maging single kesa may partner nga pero ginagago ka naman at ikaw nagmumukhang kabit pag di mo yan hiniwalayan kasi sa ayaw at sa gusto mo, pag kayo pa din, hati na ang atensyon nya. Hayaan mo dun na atensyon nya sa isa. Ang importante ay anjan ka para sa baby mo. Go go. Isang araw, pag lingon mo sa time na ito few years from now, mapa smile ka na lang kasi ginawa mo ang tamang desisyon. :)

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi. I'm 16 year old nung una ako nabuntis sa panganay ko. :) tinakbuhan ako ng nakabuntis saken at the age of 11 ako na nagta trabaho para sa pamilya ko kasi sobrang hirap ng buhay namin. Ako nagpaaral sa kapatid ko pinaaral ko sarili ko kaso nadapa ako nabuntis ako ng maaga AT THE AGE OF 16. Sobrang gulong gulo ako. Nasaktan walang kakampe pero never ko naisip na ipalaglag yung baby ko. Ano naman ngayun kung anong iisip ng iba? Kung panget tingin nila saken? Hindi ko na po inisip yung iisipin ng pamilya ko. Binigay ko po lahat sa kanila mga luho nila binigay ko. Kaya naisip ko siguro naman tatanggapin nila ako? Oo anjan yung magagalit sila pero family yun e. Tanggapin mo nalang lahat ng masasakit na sasabihin nila at the end of the day pamilya rin matatakbuhan mo at sure na sure ako tutulungan ka nila makabangon :) wag mo po muna isipin yung negative na bagay alam kong mahirap,masakit pero kaya mo yan. Nakaya ko nga nung 16 ako ikaw pa kaya na nasa tamang edad na? 22 year old na ako ngayon 5 year old na baby ko :) sya yung nasa picture. Kung pinalaglag ko sya dati kung naisip ko yang mga naiiisip mo siguro wala akong baby na kasing cute at kasing kulit nya ngayon. Siya yung nagbibigay kulay sa buhay ko :) kung di ka man tanggapin ng pamilya mo TUMAYO KA NG MAG ISA MO :) kaya mo yan po 27 kana e . wag mo muna isipin yung ibang tao. Tama na yung nakatulong ka sa kanila kahit papano. Isipin mo muna sarili mo at yang baby sa tyan mo. Hayaan mo na yung lalaking nang gago sayo cheer up sis :) keri mo yan. Yakang yaka yan. Sabayan mo din ng pagp-pray PLEASE PLEASE PLEASE WAG MO SAKTAN YANG BABY NASA TYAN MO. Wala syang kinalaman sa kasalanan ng daddy nya labas sya sa kasalanan ng ama nya. Mahalin mo po si baby. Kasi sya lang magiging kakampe mo soon 😊 god bless po. Sana nakatulong sinabi ko.

Đọc thêm

Girl, ang daming babae, magasawa o magpartner na gustong gusto magkababy pero di sila mabiyayaan.. ikaw na binigyan ng gnyang blessing ipapalaglag mo? Wag mong idamay ang baby sa kasalanan sayo ng tatay nya.. isa pa, gaya ng sabi mo ilang beses ka ng niloko nyang bf mo hindi ka tanggap ng pamilya nya at yung pmilya mo may naririnig kang sinasabi, hindi mo ba naiisip na binigay sayo yan ni God para may magmahal sayo at tumanggap sayo ng buong buo kung ano ka.. yung pgmamahal na d mo makuha sa mga taong nasa paligid mo maniwala ka yang anak mo ang magpupuno nyan.. Ako nung nabuntis ako noong 2013 23 yrs old plang aq noon, graduate na ko at may trabaho at 6yrs ndn kmi ng bf ko noon pero di ko tanggap ng buo pgbubuntis ko dhl nahihiya ako sa lolo ko, gsto ko kasi at alam kong gusto dn ng lolo ko na maikasal muna ako bago aq mabuntis.. pero few days after natatanggap ko na.. then nakunan aq 2weeks after ko malaman na buntis aq at hindi yun nalaman ng pamilya ko hnggng ngaun.. nung araw na nawala ung baby ko sobrang sakit nrmdaman ko at pinagsisisihan ko na hindi ko sya tinanggap agad ng buong buo.. feeling ko iniwan nya ko dahil ramdam nyang inayawan ko sya nung una.. at kung kelan handang handa na ko maging nanay hindi ako mabigyan.. 6years bago kmi nabiyayaan ulit ni God at laking pasasalamat nmin.. gusto mong lumaya? Iwan mo yang bf mo kung sobrang nasasaktan kna at gaya ng sabi mo d ka tanggap ng pmilya nya at d sinusuportahan yang baby mo, d mo deserve yang gnyan.. humiwalay ka na at magsimula kang muli kasama yang baby mo.. wag na wag mong ipapalaglag yan.. matatanggap yan ng pamilya mo maniwala ka lalo na pag ipinanganak mo na sya at makita nila.. mas pagsisisihan mo at mas madami kang maririnig na masasakig na salita at sumbat pag nilaglag mo yan.. maawa ka sa anak mo 3months na yan buo na yan.. 😭

Đọc thêm

Hi sis. almost same case tayo. Ang kaso naman sakin live in kami for almost 1 year, ok kami both side. then nag away kami around june. hindi ko pa alam nun na buntis ako. naghiwalay kami. the day na naghiwalay kami umuwi ako sa amin. for almost 2 weeks,wala akong gana sa lahat. natiis niya ako. then napansin ng sister ko na meron ako ng symptoms ng buntis kaya sinamahan niya ako magpa check up. sinabi ko sakanya to win him back. yes aminadi ako na desperada akong bumalik sakanya that time. pero ayaw niya. susuportahan nalang daw niya si baby, and time will hral everything daw. im so depressed that time. peri bumawi siya paunti unti. Para kaming BDO non kasi we find ways. Ayaw na sakanya ng family ko. at alam ko ding galit sakin side niya dahil sa mga kalokohang ginawa ko nung naghiwalay kami(sinampahan ko ng kaso). We decided to try again. pero d nawawala yung doubt ko, umuwi ako ng provinve ng july and it triggered him na may lalake daw ako kaya ako umuwi. up to now, nag uusap kami para lang sa bata. Aminado akong mahal ko pa siya pero ayokong ipagsiksikan yung sarili ko sa taong hindi pa handang ipaglaban ang anak niya. Every baby is a blessing sis. Mararamdaman mo yung love ng sobra kapag gumagalaw na siya. please, wag mong ipalaglag. ipamukha mo sakanila kubg sino ang sinayang nila. uwi ka sainyi. palakihin mi si baby, then kung ayaw mobg ipakita sakanila then wag. kasi ganun ang gagawin ko once na lumabas si baby. I always update my babys status sa fb para makita nila. pero habggang dun lang yun. i will create a new account soon at dun ako mag a upload ng picture ni baby. its their loss na hindi makita ang apo nila. kagaya nga ng sabi ng parents ko, ang mga magulang mo mahal ka niyan, pero oag may apo na sila, mas mahal na nila yan kesa sayo. stay strong momsh.

Đọc thêm
Thành viên VIP

17years old ako nung maging boyfriend ko ang ex ko 3years kaming mag bf 2years kaming mag live in and almost 2years pinilit namin ayusin so almost 7years, pero nagtataka ako kung bakit di ako nabubuntis gustong gusto ns namin magkaanak pero wala di talaga binibigay, pero sa mga taon na pinagsmahan namin? Puro sakit emotionally, mentally ang naging dulot lang Oo naging masaya naman kami MINSAN Pero mas lamang na kasi yung sakit, almost 2years ako na yung nagloko well siguro yun na yung way para maibalik ko sakanya lahat ng ginawa nya pero diko sinadya yun, after that we give up our relationship, depressed ako nun pero di ako nagsawang magdasal sabi ko" lord kung hindi sya yung para sakin pls. Ibigay nyo skin yung tamang tao para sakin sa tamang panahon, Then after a year nakilala ko yung jowa ko ngayon, pareho kami gusto ng magkaanak so nagpakonsulta nako kung bakit dun ko nalman May PCOS ako habang tntreat ko ang PCOS ko nwawalan ako ng pag asa na magkaanak Gabi gabi ako nagdadasal na "lord diko kayo mamadaliin pero sana ibigay nyo yung pinakahihiling ko yung tamang time para sakin" ilang months lang di ako nag expect pero nung nag PT ako nagpositive, sobrang thankfull ako kay god di nya binigo,. Ang dming gusto magkaanak pero di lahat nsbibiyaan, pag pinaabort mo sya ngayon, baka kung kailan kana handa saka ka hindi na bibigyan, sa pagkakaroon ng anak dun mo mararamdaman na buo ka na isa kang ganap na babae, may taong mas mabigat pa sa problema mo, pero ikaw may solusyon takot ka lang harapin, wag ganun, kung anong maging desisyon mo panindigan mo, hiwalayan mo sya, ipakita mo sakanya at sa pamilya ng lalaki na kaya mong palakihin ang anak mo mas bigyan ng mas magandang buhay without him, lagi ka lang magdasal,.

Đọc thêm

First, thing first is to pray harder and with all ur heart and let your weary will comes out while praying... Kht umiyak kpa hbang nag pepray, ipagpatuloy mo lang isangguni sa Panginoon lhat ng problema mo. Pagkatapos, hinga malalim isipin ang kinabukasan na wala ka pagsisihan smga mgiging desisyion mo. Isipin mo kung anu no sitwasyon mo aftr mo ipa abort ang baby.,At isipin mo din kung anu ang mas matimbang sau, pamilya mo o mgging anak mo. Alam mo dnman sa pangingialam kc at the end of the day ikaw at ikaw pa din dedesisyon sa buhay mo,to make it clear. D mo obligasyon na hbang buhay ka sumoporta sa pamilya mo. Kasi, darting ang panahon na mgkakaroon kna din o bubuo kna din ng srili mo pamilya. Pero, sa sitwasyon mo yan wala tutulong sau kundi pamelya mo din. Kung ako sau, harapin mo at kausapin mo nanay mo ng masinsinan... Sbhin mo sa knya ung kumplekado ng setwasyon mo ngayun, at sa future mo baby. Ipaliwanag mo ang gusto mo plano sa buhay. At isama mo anak mo. Wag ka gagawa ng desisyon na pagsisihan mo next day. Isipin mo, wala ksalanan ang bata sa kung anuman ang nagawa sau ng ama nya. Pero, kung ayaw makisama ng pamelya mo sa plano mo, then ipagpatuloy mo ang buhay mo with baby, mghanap ka ng pamelya na open for adoption nsa tingin mo welling ibigay lahat ng needs ng anak mo, mamahalin sya,not to the point na mag isip ka ng pagpatay sa sarili mo laman at dugo. If u are truly a God believer dmo yun gagawin. Mas iisipin mo pa din ang positibong pananaw sa buhay.... Lahat ng mga problema may solusyon, d yan ibibgay ng panginoon kung di mo kaya.... Sna makatulong ako sa iyong desisyon. Dito sa pages na to may mga mag asawa dto walang anak, pede mo ipost na willing mo ipaampon sa knila anak mo kisa ipa abort mo..

Đọc thêm

Hello mommy. :) I've been in my own darkest days of my life too. It doesn't matter how my story goes but rest assured I've been at my worst days. Frustrated. Lost. Depressed. But one thing is for sure, I am greatful I kept my baby. The happiness and fulfilment of having a baby is priceless. Getting rid (pagpapalaglag) of the baby will make everything WORST. (1) You just given up your rightful place as the "legal" or "original" in the eyes of your bf's family (2) Mommy may life na yung baby and FYI di lang yan "baby" but a person na po. If you will get rid of the baby, your conscience will surely hunt you for the rest of my life. In that case, you will never ever get the PEACE your finding (3) Your family might be disappointed with you more that what you think (I've been there) BUT TRUST ME they are the ones who'll accept you and support you all the way. Don't ever think na wala kang maaasahan sa kanila kasi pamilya kayo. Just stand and make one step at a time. You might thing there's no way out aside from getting rid of the baby then YOU ARE ABSOLUTELY WRONG. :) Mommy di lang ikaw nakakadanas sa mundong ito nang ganyan. Yung iba nga mas worst pa. Iyak ka lang. That's okay but be sure to stand. Don't let your problem drown you forever, instead FIND A GOOD SOLUTION. LOOK AROUND YOU. FIGHT FOR YOUR BABY. If your partner doesn't deserve to be a dad then let it be. But THINK! YOU DESERVE TO BE A GREAT MOM. PRAY. PRAY. PRAY. CRY. TAKE A DEEP DEEP BREATH. STAND. YOU CAN DO IT MOM. Nakaya nga nang iba. Nakaya ko nga din na subrang bata ko pa. Again, you are not alone. Some experience the worst but they did it and they are very greatful they choose to live the life they are in. KAYA YAN. BE A WONDERFUL MOM. 😊

Đọc thêm

Sis, iwan mo yung boyfriend mo kasi di ka Niya deserve at ang baby nyo. Isipin mo nalang na naging instrumento yang bf para maibigay sayo ni Lord yang blessing sayo. Kahit kailan sis blessing magkaroon ng baby. Wag mong sabihin na hindi mo kaya dahil you are matured enough para makaya lahat ng mabibigat na problema sa mundo. Hayaan mo na kung lalaking walang Tatay yang anak mo, total andyan ka naman para maging Nanay at Tatay nya. Diba, marami namang ganun sa panahon ngayon? Kayang kaya mo yan maniwala ka saken sis. Yang batang dala mo, yan Ang magbbgay ng swerte at lubos lubos na kaligayahan sayo pagdating ng panahon kaya i-treasure mo yan kasi priceless yan. Kung sa edad mong yan 27 y.o. ikaw Ang bread winner sa pamilya nyo, well I think sis it's time naman na siguro na unahin mo ying kapakanan mo at ng magging baby mo. Oo siguro selfish Kung iisipin mo pero minsan kailangan mong magsakrispisyo para din sa ikabubuti mo. Kasi sis at the end of the day, yang sarili mo lang Ang makakapitan mo. Wag mo ipapalaglag yang baby mo sis, dahil maraming himala sa mundo Hindi lang natin namamalayan. Malay mo pag dumating Ang panahon, yang baby mo ang magbigay ng kaginhawaan sayo. Sa una lang yan mahirap sis pero kasi lahat naman tayo dumaraan dyan eh. Lahat tayo nahihirapan. Hindi lang ikaw ang tinalikuran ng mundo sis maraming marami pa. Kaya Ang maipapayo ko sayo, labanan mo lahat yan. Ipakita mo sa kanilang lahat na kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa kahit mag isa ka. Aanhin mo Ang lalaking hindi na bou Ang pagmamahal sayo at puro konsomisyon dala sayo kung pwedi mo namang solohin yan, mag move on at maging mas masaya. Marami pang miracle Ang darating sayo trust me. Keep your baby. May God bless you,sis. ❤️

Đọc thêm

Hi my stand regarding that matter is "no to abortion" yes nasakatan tayo pero hindi kasalan ng bata ang nagyarai sa inyo. Remember it take two to tango. Hindi mabubuo ang bata ng sa kagustuhan lang ng isa.a baby is made out of love and never an accident.every baby is a blessing from above. Hindi lahat ng tao ay binibigyan ng pagkakataong ngkaanak ung iba nag aampon ung iba. Ngbabayad ng malaki mabuntis lang sila. If kikitilin mo naman ang sarili mong buhay do you think matatahimil or masolve ang pinopriloblema mo? Hindi solusyon sa kahat ng sakit at pagod or problem ang pagkitil ng buhay.isa pa sis pede mong ibaling ang isip at kasiyahan sa anak mo sa buhay mo. Hindi mo dapat pinaiikot ang sariling mundo mo sa mundo ng lalaki.hindi lang sya lalaiki sa mundo.maraming lalaki ang mas deseving sa love and attention mo pero as of the moment need mo ay to appreciate yourself first bago ka mat mahal ng iba.minsan nas masarap pa nga may anak kesa may asawa 😅 pero im not saying n wag ka mag asawa. Walang taong perfect dear.lahat nagkakasala or nagkakamali . Asa iyo na un kung papatawarin mo or hindi. Kami at andto para mgpayo sau pero ikaw pa din ang ngdedecide if what pero to clear your mind at maging at peace ka ituloy mo ang pregnancy. I'll include u in my daily prayers and devotion. I hope i was able to give u a good advise. Have a blessed day and God bless you.God will not give us trials that we can't handle.God's plan is bigger than our plan as well as out faith. Think thrice or more before you do something that pagsisihan mo in the future.always pray para maguide ka. Baka God is trying to remove people or letting you realize something in order for you not to get really really hurt 😘

Đọc thêm