Birth Story: Late Preemie

Napaaga ng arrival si baby Math. From October 5 EDD, lumabas na sya agad ng August 23 at 6:39 pm. May bleeding ako ng August 22 at 1pm, tas nakaramdam na ako ng paghilab ng tiyan. Nagpa-check-up kami pero ipahinga ko lang daw sabi sa lying in. Pero magdamag na syang sumakit, hindi na ako nakatulog. Kasi nagcocontract sya every 5 mins. Morning ng August 23, balik kami sa Lying-in, in-IE ako pero sarado pa ang cervix. Pinag-stay lang ako sa clinic kasi hilab pa din ng hilab. Pinaghihintay ako hanggang 6pm kasi naghahanap daw ng gamot pampatigil ng hilab. Kaso tumitindi na yung sakit at wala silang mabilhan nung gamot. Pag-IE sakin ng mga 6pm, surprise! 8 cm na agad. At 6:39 pm, the baby is out! Dalawang bonggang iri lang.. Hehe Buti nalang at healthy naman si baby. Pero normal daw sa preemies na may blood infection, meron nga si baby. But his lungs are fully developed naman na. Kaya di na kailangang iincubate si baby. 1 week shots nalang para sa infection nya. 2.5 kilos lang si baby. 33w 6d lang sya pero yung laki nya ay pang 36 weeks naman na daw. Sabi baka nagkamali daw ako ng bilang pero sure ako sa LMP ko kasi may period tracker ako. At match yung LMP ko sa ultrasound. Total expenses sa panganganak including meds ay 13,150. Hindi ko nagamit ang Philhealth kasi premature si baby. Ganun pala yun. 24 hours lang kami sa lying in tapos nakauwi na din kami agad. #1stimemom #firstbaby

Birth Story: Late Preemie
60 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

congrats mommy ang cute ni baby thanks god kasi nakaraos kyo ng safe at si baby god is good tlga 🙏😇

Thành viên VIP

Congratulations mommy! Nakakainspire ung birth story mo. Welcome to the world baby!! ❤️❤️❤️

wow congrats po 😊😊😊 same tayo ng due date sana madali lang din ako umanak 🙏😇

same EDD here 😍 pero ang liit ng tyan ko lalo pag nakahiga normal po ba yun ?

malaking bata for a premature. kaya pala gusto na niyang lumabas

10k..bayad ko sa lying in.less philhealth na at di pa kasali ang gamot

4y trước

Kaya nga po,yung kasabayan ko nga 12k plus less philhealth na..

Congrats mommy! lahat po ba ng lying in tumatanggap ng preterm?

Congrats mommy! lahat po ba ng lying in tumatanggap ng preterm?

At least nakasurvive kayong dalawa ni baby. Congrats momsh!

Congrats momsh 🤗😊 Ang galing nman ni baby.. 💪😇