LESS THAN A MONTH BABY ROUTINE

Nanganak ako last Oct. 16 Ang baby ko may moro reflex (parang nahuhulog yung pakiramdam) kaya nahihirapan ako pag nilapag ko na siya nagigising kaagad, breastfeed siya. May isang gabi na nakatulog sya 7 hrs straight, pero madalas every 2 or 3 hrs gising siya and pinadedede ko, nakakatulog siya ulit after an hour or two. Iyakin, sobrang ikling minuto lang na kalmado siya at nagmamasid sa paligid. Around 6:30 to 7:00 pm pinupunasan ko na siya para iready sa pagtulog ng gabi pero nakakatulog sya mga 10 pm - 12 mn pa. Sa maghapon palagi lang siyang nakadikit sa'kin, buhat lang, dede, paulit ulit. Hindi naman ako against sa pag breastfeed and pagiging clingy niya, kaso madalas wala na ko ibang magawa kahit pagligo, kasi palaging ako ang hanap at hindi kumakalma sa iba. Paano ba gumawa ng routine sa newborn? #advicepls #pleasehelp #firstmom #firstbaby

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mommy... Dede- pupu/ wiwi- tulog... Iyan lang po ang routine ng newborn, round the clock, regardless if night or day. Maliit lang po stomach ng mga babies kaya hindi pa nila kaya magstore ng maraming milk kaya ilang oras lang, gising ulit. For breastfed babies, mas mabilis sila magutom dahil easily digestible para sa kanila ang bm unlike fm na mas mahaba tulog dahil need nila ng energy to digest the cow's milk ☺️ Kaya lagi po sinasabi na sabayan ng tulog si baby kasi most likely ay wala po talaga kayo magiging ibang spare time to do so. Please ask for help around the house para focus lang kayo sa sarili nyo at kay baby. Wala po talaga kayo matatrabahong iba, lalo na kung exclusively breastfed si baby. 9 months po si baby sa comfort ng tummy natin at ngayong nasa noisy outside world na sila, being with us is the most comfortable place to be that somehow resembles their little world inside our womb ☺️ Also, parang medyo mahaba po ata masyado ang 7hrs straight na tulog for a month old. Normal lang po yung 2-3hrs lng ang tulog ☺️

Đọc thêm