Nagkaron ba kayo ng specific allergy habang buntis kayo?
Nagkarashes po ako dahil sa baby oil na pinahid ko sa stretchmarks ko pero dati naman hindi ganun naging sensitive lang dahil buntis niresetahan naman ako ng gamot
sakin hindi lng allergies , nag karoon ako nang chickenpox before ako manganak, pero naagapan naman pinainom ako nang anti viral and vaccines para Kay baby naman.
ako oo, nag pacheck nadn ako sabi hypersensitivity reaction daw. di ko lg dn alam kung eczema sya kase sa bandang mukha sya sa kilay ko lalo sa mata 😔
Me, mas naging sensitive skin ko nung nag bubuntis. nagkaron ako ng kati2.. lalo sa kamay, pag naglalaba.. allergic ako sa matatapang na sabon panligo
kati kati. sobrang sensitive ng skin ko tlga ngaun lalo nat buntis. bilis magkapeklat. kinamot ko mapula palang tas kinabukasan peklat na. hay nako
Haha uo..cnu ba naman hindi magkaka alergy pag yung ulam mo araw.araw ei tuyo at galunggong😂😂😂 Buti nalang nawala din pagkatapos q maglihi
parang mas nawala yung allergy ko nung buntis ako 😅 may allergic rhinitis ako before magbuntis..during preggy days not even once unatake
Yes meron aq ngaun kati kati sa hita at binti ko..graveng kati d nmn aq makainum ng ibang gamot kc bawal kya tiis tiis sa pagkamot😅😅
walang allery pero naging pre diabetic kahit d ako mahilig sa matamis 😅 pagkapanganak ko nman naging normal na agad sugar ko hehehe
nung bago malamn na preggy ako ng karon ako ng mga rashes i think dahil ata sa liquid soap ko..nung ng stop ako gumamit nawala nmn na..