Ciprofloxacin during 1st trimester of pregnancy
Nagka-UTI po ako, negative sa PT that time. Doctor prescribed Cipro - 2 tablets/day for 7 days. Mahirap na po umihi ng time na ito, napapapikit ako every pee time. 4 weeks later, nalaman ko pong 6 weeks pregnant na pala ako. Buntis na pala ako nung umiinom ng Cipro. Category C po siya sa gamot at marami akong nababasang maaring may negative effect ito kay baby. May nakaranas po ba nito? Kumusta po ang baby niyo, naapektuhan po ba siya? Thank you po and God bless!

