Just Comment Game
🎺Nagbabalik, for a limited time only, ang mini games ni Tito Alex!🎺 Kulang ba ang points mo for the upcoming rewards? Sali ka na sa: Just Comment Game. Just answer the question: What daddy skills do you want your partner to learn? Puwedeng simple answer lang. Or puwede rin essay. It's up to you, mommy. The first 500 comments on this post will get 500 points! Note: Kung lalampas tayo sa 500 comments, bibigyan ko pa rin ng consolation points kasi the best kayo!
Game Marami akong gustong matutunan rin ng asawa ko. Isa na rito ang self discipline, yung tipong kakatapos mo lang sa gawaing bahay tapos ito sya kakain, hindi man lang huhugasan ung pinagkainan o kaya't magpapalit ng damit, hindi nilalagay sa laundry basket, kung saan-saan lang ipapatong. Pangalawa, sana matutunan nyang kontrolin ung choice of words niya, minsan kasi hindi niya iniisip na nakakasakit na ung ibang salita na binitawan nya. Last, sana matutunan nyang makuntento, nahuli ko kasi syang may kachat at katawagan na babae, sobrang sakit lalo't buntis ako, iba kasi ung emotional damage na nararanasan ko, ung tipong napaparanoid ka, tatanungin mo bigla ung sarili mo kung ano pa ung mali at kulang.
Đọc thêmOther skill, which is budgeting. 🥲 Kasi kapag binigyan mo sya ng pera any amount, kaya nyang ubusin in a day. Good thing is hindi sya madamot at galante. Bad thing is, walang limit or control sa gastos. Thankfully, aware sya rito kaya ako may hawak ng sahod nya. Hindi sya humahawak ng malaking amount unless he wants to reward himself. Pero I do hope he'll willingly learn how to budget para mas makaipon pa. ❤️😇🙏🏻
Đọc thêmYan ang una kong gusto matutunan ni Mister ang "Driving" sa ngayon motor lang ang meron kami gusto ko sana mag karoon kami ng sariling car pag dating ng panahon para mahatid niya sa school pag nag aral na anak namin. 2nd na gusto ko matutunan din niya is house maintenance para in case na may problem man lang o nasira sa bahay namin kaya niya ayusin agad
Đọc thêmDaddy Skills? I don't know yet since buntis pa lang ako sa rainbow baby namin. Pero para sa akin eh wala na akong maisip kasi napakaresponsable at napakasipag niyang mister, siya lahat gumagawa sa bahay simula nung malaman namin na buntis ako. At I know na magiging isang Super Dad din siya pag dumating na si baby sa buhay namin. 🥰
Đọc thêmSimula new born si baby up to now never nakapag try ang daddy nya magpalit ng diapers nya🙄🤣 But that doesn't mean na hindi na sya mabuting ama. Germaphobe kasi sya and I understand kapag tinatakasan nya ang pagpapalit diapers kay baby🤣 Pero still sana one day ma conquer nya ang fear sa pagpapalit ng diaper.🤣💗
Đọc thêmGame 💪 Gusto ko matutunan ni partner ang pagpapatulog , pagpapalit ng diapper at pag papaligo sa magiging anak namin. I am currently 7months pregnant kaya gusto ko din na matutunan niya na mas mabigyan na sana ako/kami ng magiging anak niya ng oras at atensyon ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
Game! I want my partner to auto-burp our little one in an instant. andami na nyang daddy skills ngayon. Siya naglalaba ng damit nya ngayon at damit ni baby separately tsaka mga dsmit ko rin pala although machine wash. Sa pagpapa burp ako ponaka nahihorapan kaya sana may ganin daddy skill si hubby ko.
Đọc thêmhouse maintenance. maigsi ang pasensya na, kapag hindi nya na alam ang gagawin tatawag na agad sya ng help na pwedeng bayaran ang service. Also, un pag prioritize ng needs vs. wants, medyo hindi pa nya alam alin ang dapat unahin, walang savings, kahit pauulit ulit na kami nag uusap tungkol dito.
House maintenance sana - from simple na pagpapalit ng bulb, to pag aayos ng tubo ng lababo etc. sana matutunan niyang po gawin sa bahay. Parang qng bagat kasi ng kamay niya parang lahat ng mahawakan niya nasisira tapos di niya alam ayusin. huhu Mas mainam na matutunan niya yun. 🤔
house maintenance sana para sa hubby ko, wala talaga sa kanya tong skills na to, hindi ko siya maasahan pagdating sa house maintenance 😅 maaasahan naman siya sa ibang bagay gaya ng pag aalaga sa mga anak namin, pagpapalit ng diaper, pagpapaligo, pagbabantay at kung ano pa. ♥️