20w5D, nalaglag po si baby ko.

Nag start ako mag spotting nung 10, akala ko normal lang kasi nagkaganon din ako 1st month palang. 12 nag punta kami ospital kasi sumasakit na ang puson at balakang ko. Nag 1cm ako non pero hindi ako inadmit kasi need ko daw mag rest which is pwede sa bahay. Oct 13 ng 12midnight ung sakit at kirot d n talaga kaya. Sumugod ulit kami ospital pero sa daan palang pumutok na panubigan ko and nasa entrada na si baby 😭 sobrang sakit dahil 1st baby namin and then naging ganito. Kaya po sa mga mommy na nag sspotting and nakirot ang puson at balakang, please no self medication po. Direct agad sa OB or ER . Godbless po sa lahat.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi momsh, sending virtual hugs.