Speech delay

Hi momshies! concern lng po sa 1 yr. and 9 mos. baby boy ko. papa lng ang alam nyang salita kahit kami lagi mgkasama. Kapag may ipapakuha sya puro hand signal lng, kukunin nya kamay ko tapos ituturo nya ang ipapakuha sa akin. Madaldal nman sya kaya lng hindi ko maintindihan words nya..meron ba dito same sa baby ko?. Thanks

28 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nakakatuwa ang baby pag may narinig kang bagong words na lumabas sa bibig nila kagaya nalang ng anak ko. Dahil sumpungin sya lalo na pag mahirap patulugin sa gabi, nung una naisipan kong takutin sya ng pabiro na may butiki at kakainin sya pag hindi sya matulog. Kalaunan kakasabi ko ng word na butiki nagagawa na din nyang banggitin yun at tinuturo pa nya at ginagaya sinasabi ko noon sa kanya pag tinatakot ko sya kunwari. Madalas nya ding sinasabi ang "wow" kapag may nakikita syang nakakatuwa para sa kanya o kaya "hala!" pag sya naman nananakot.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Better to ask his pedia po if okay ang speech development ni baby. Make sure na lang siguro na walang nag baby talk sakanya. Kausapin lang siya normally, read books, sing nursery rhymes, and wag din gamitin na teacher ang gadgets. Best teacher pa din ang parents. If mag youtube, mas okay kung kasama kayo na nakatutok din sa pag watch nya and may follow through sa kung ano yung napanood nya para mareinforce ang learning ☺️

Đọc thêm

Ganyan dn pamangkin ko po..sab ng pedia alisin dw po mga gadget bwl dw po kc nagclose dw ata un communications ng bta dhl nwili dw po s kkpnood ng youtube s tab nya. Sab ko s sis ko kauspn nya lng at turuan kc halos wla nmn s baby nagkakausp umaasa lng tlga s pnood kc un nagbbnty sknya d dn pala salita. Un mama nmn focus s work wla xa time s ank nya..dpt bgyn ng time focusan tlga hbng baby pa.

Đọc thêm
Thành viên VIP

May kanya-kanyang pace po ang development ng mga bata. Lagi nyo lang kausapin at kantahan ng mga nursery rhymes para nagreretain ang sounds and words sa isip nya. Iwas din po sa sobrang paggamit ng gadget para di maconfuse sa language ang bata. Mahalaga na may interaction or actual conversation talga with the child para mas madevelop ang speaking and listening skills nila 😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ipacheck mo sa developmental pedia para maassess kung speech delay lang talaga and para my peace of mind ka. Kung speech delay lang yan speech therapy ang iaadvice dyan. Yung son ko kase nagpaspeech therapy, ayon naging ok na di kase namin kinakausap before kaya nadelay and naadik sa gadgets

Hi momshie, same tayo dati ganyan din baby ko nung 1yr old sya pero okay lng yan kausapin mo lng lagi at e expose mo sa mga bata mas mainam kapag may mga bata syang nakakahalobilo,.. In time ma e improve din yan pwd din patingin mo sya sa pedia for 2nd opinion lng

at least nakakapag salita ng "papa". may mga ganung case po talaga. yung iba, maaga, ung iba delay... wag ka mainip.. instead, turuan mo sya. watch kau tv lagi. tapos lagi mo sya kausapin... mag aral na din ng alphabet. in time, magsasalita din yan..

Thành viên VIP

Usually sa ganyang age hndi pa tlg sila msyadong ngsasalita parang nagmamuble plng sila. Bsta keep on talking to him lng tpos turuan mo sya ng mga words na madali makuha, baybay baybayin mo para matutunan nya. Nsa learning stage lng po sya :)

Ganyan din ang anak ko sis 1yr and 10mos na sya. Hindi pa din sya nagsasalita. puro mama, papa, car, duck ganun lang. pag nagpapakuha din sya kukunin lang din ang kamay ko at tuturo kung anong gusto nya.

1yr.&9months na din lo ko..awa ng diyos madami na sya alam na words.. Atsaka nauna din nya nabanggit ang Daddy kesa sa Mommy.. Kausapin nyo lang ng kausapin sis at wag i-baby talk..