Sinisipon na buntis
Hi momshies. Ano po ba ang pwede natin inumin, 25 weeks preggy here. Sinisipon and super runny nose, watery pa ang eyes at bahing ng bahing. Ok lang kaya ang mga nasal sprays na salinase/ sodium chloride? any natural remedies para sa sipon?
salinase pag barado lamg po ang ilong.. ako nun kinausap ko na OB ko kasi allergic rhinitis sakin. binigyan nya ko ng cetirizine at vit C supplement. pero di ko ininom yung cetirizine kais bilin nya hanggat kaya ko raw na di inuman, wag ko na inuman., nag water therapy with lemon ako nun (maligamgam) at nagpalinis ako ng buong bahay plus airpurifier and kain ng orange/ponkan/strawberries, basta mataas sa vit c na prutas. nakamask po ako kahit sa bahay at nagrest talaga.. umokay naman po ako.
Đọc thêmpakulo ka luya mi then pigaan mo ng lemon or calamansi tapos yung gawin mong pampatamis imbes na asukal ay honey. yan lagi ko ginagawa pag may ubo or sipon ako.