Sister-in-law problems

Hello momshies ako lang ba yung nakakaranas ng ganito? Dito kami sa side ng asawa ko nakatira pero nakabukod kami, ang problema ko is kapag kinukuha nila yung baby ko tapos nilalagay nila sa bahay nila, i mean pwede naman na dito nalang sila sa bahay namin. Noong wala pang weeks yung baby ko nilabas na nila, saan ka pa nakakita ng newborn na ginagala sa ibang bahay? Kahit na sabihin nila na sila sila lang din naman ang nandun. Ang sa akin lang naman iniisip ko yung kaligtasan ng baby ko, hindi ko alam kung sinong humahawak at humahalik sa kanya. Sa asawa ko nalang sinasabi minsan yung gusto kong sabihin sa kanila kasi nahihiya ako. Mabait kasi sila sa akin kahit noong magjowa palang kami ng husband ko pero nagiging sensitive ako pagdating sa baby ko. Minsan nakikita ko pa na hinahalikan nila tapos hinahawakan nila nang hindi nagsasanitize ng kamay. Hindi ko nga halos hinahalikan yung baby ko e kasi may nabasa ako na wag hinahalikan ang baby kahit ikaw pa ang nanay nya kasi nakakakuha sila ng sakit dun, sinasabihan ko din yung asawa ko na wag nya hahalikan sa mukha si baby. Sila todo hawak sila sa baby ko at halik, di ko din naman mapagsabihan kasi baka sabihin nila na pinagdadamot ko yung baby ko or masyado akong maarte. Nagiging maingat ako sa baby ko pero balewala lang din pagdating sa ibang tao. Ano kayang gagawin ko? #1stimemom #advicepls #firstbaby

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Need niyo po mag speak up saknila. Kasi sarili niyo po ang sisisihin niyo if magka sakit si baby niyo. Pwede niyo naman po sabihin sakanila in a nice way Lalo na uso pa din ang covid ngayon. Plus pinaka delikadong rash sa baby is Hand, foot and mouth disease which is nakukuha yun sa mga kiss kiss sa kamay at mukha ng baby ng adults. Mas maganda ng mag ingat kesa mapahamak baby niyo. Kung di nila maiintindihan yon wag kayong maguilty nasa kanila na yung problema. Mas maguilty ka po kung may mangyayare sa baby mo.

Đọc thêm