Damit ng newborn

Hello mommies FTM po ng 3 week old. Ask ko lang po kung dapat po ba talaga doble o may patong ang damit ng newborn? Ex: sando tapos longsleeves (plus swaddle pa). Yun po kasi ang turo samin kahit daw di naka aircon, na di ko alam kung tama ba o baka mamaya natutuyuan na pla ng pawis si baby ko. Bilang FTM gusto ko po sana makakuha ng feedback mula sa ibang mommies. Para lang po maliwanagan ako. Thank you po

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sabi po sa amin sa hospital, huwag daw balutin masyado si baby kung hindi naman kailangan (malamig na malamig sa lugar). Okay na raw yung damit at swaddle. Masyado iinit ang katawan kung doble doble ang suot.

Hi mamsh, sa pagkakaalam ko po masama sa newborn ang over-clothing. Mainit na po yun sa katawan at baka masuffocate si baby. Ok lang if may damit si LO then iswaddle.