Progestrone User
Hi Mommies, share ko lang experience ko as First Time Mom with PCOS , 9 weeks 3 days na ako pregnant, unfortunately nung 6 weeks to 8 weeks ko nakita nila may subchorionic hemorrhage ako, bed rest ako for 3 weeks nag sspotting ako for ilang days ako kahit umiinom ako mga pampakapit, slightly open pa yung cervix ko according to my OB. Pero one thing na nakapagsave sa amin ng baby ko na malaglag aside sa bedrest and other medication, is ung Progestrone na iniinsert sa puwerta. Laking tulong nun, Kaya kung niresetahan kayo ni OB niyo mommies bilihin niyo agad, kahit pricey lalo na sa mga katulad natin na maseselan ang kalagayan. Samahan niyo din ng dasal at usap kay baby. Nagpapasalamat ako sa OB ko, kay Lord at sa mahigpit na pagkapit ng baby ko. #1stimemom #progesterone #pcosbaby