Mommies pwede na ba kumain ng biscuits pang baby ang 4 months? ilang months pwede pakainin ang baby? If pwede any recommendations?
bakit kaya iba iba ang advise ng mga doctor? yung pedia ng baby ko hindi pa kami inaallow kahit tikim lang. btw 4 months old na si baby
Hintayin niyo po mag 6 months mommy at may signs of readiness na siya kumain kasi baka ma choke. Consult your pedia din po talaga muna.
6mos po mommy, mas safer sa baby.basta after 6 mos consistent na ung pagpapakain ng food hanggang maging toddler para masanay kumain.
Kapag pwede na sigurp painumin ng tubig si baby tsaka pwede na sa mga solid po. Need kasi ng water kapag may kinakain na si baby eh.
Hello Mi. Pinaka best po na exclusively breastfeed si baby for 6 months. Start complimentary feeding sa ikaanim na buwan na po. 😊
mommies anu pong pweding ipakaen kay baby kasi going to 8months na siya itong december 7 . tanong lang po first time mom kasi po ako
6 months pwede pakainin po ang wag mga biscuits mommy d pa kaya yan ng baby mga soft food like mashed potato,brocolli pakain niu po
Usually you can feed infants pag 6 months na sis. I discourage you to give baby solids until binigyan kang go signal ni pedia 😊
No mommy. 6 months pa dapat ang solid food. Snacks like biscuits later on rin pa. Lalo na kung store bought siya
Wag po muna. Saktuhin mong 6 months. Wag ka masyadong ma excite kase hindi pa kakayanin ng tiyan ng anak mo ang solids.