33 weeks and 4 days pregnant

Mommies, hi po, ilang weeks po ba advisable maglakad lakad po? Kasi yung sister in law ko pinagsasabihan ako maglakad lakad na daw po ako, hindi daw yung puro tulog ako at higa. medyo Naiinis ako kasi dito palang sa bahay sabi ko ako lang mag isa, ako lang din gagalaw ng Gawaing bahay, tapos hindi naman ako laging nakahiga, umuupo din ako at tayo tayo sa loob ng bahay kasi ako lang nagawa ng Gawaing bahay… tapos yung pagtulog ko naman, hindi ko kasi maiwasan antokin kapag gising si baby, kapag gising na si baby automatic inaantok na ako nyan pero hindi naman din palagi tinutulog ko talaga… pero hindi ko naman siya sinagot, umuo lang din po ako… bale natatakot din kasi ako kasi Dinugo po ako on my 32 weeks pregnancy, 5 days po siya tapos madalas po naninigas tiyan ko po… baka kapag naglakad ako ng naglakad masobrahan mastress si baby sa loob tapos baka kung ano pa mangyari… ngayong umaga tinry ko po siya kasi yun po advice nila saakin, para din daw di ako mahirapan, naappreciate ko naman po kasi baka concern lang sila.. pero kasi mag 10 minutes palang po ako naglalakad paikot ikot sa loob ng bahay, nararamdaman ko po ulit naninigas tiyan ko kaya tinigil ko po…

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dinugo din po ako at 32 weeks, and nakailang spotting bago un. Reason is prolonged sitting dahil sa work ko at nasobrahan sa paglalakad, nairritate si cervix. Naadmit po ako. Advice sakin ng OB mag bedrest for 2 weeks, bawal muna maglakad lakad hanggang ngayon para di mag open ung cervix, madalas din ung paninigas ng tyan. 34 weeks na po ako. I think with good intention naman ung advice ng sis in law mo, pero mas alam mo ung katawan mo, mahirap na po mag premature birth kawawa si baby. Pwede ka din po mag consult sa OB mo para next time na sabihan ka nila maglakad lakad kahit na iba nararamdaman mo eh mas may basis ung isasagot mo sa kanila po. Ingat po tayo momsh.

Đọc thêm
1mo trước

Welcome po.. normal lang daw naman ung paninigas ng tyan dahil nasa 3rd trimester na tayo. Pero nakakabahala pa din lalo na’t nag bleeding na tayo, mahirap na maulit nakaka praning. Rest when you can, mommy, wag papagod kasi masstress din si baby. Napansin ko mas naninigas tyan ko pag tumayo ako at nakaupo. Ginagawa ko hinihiga ko para mawala. If di ka po komportable kahit nasa left side, pwede ka po maglagay ng unan sa ilalim ng tummy mo para may support, unan din between your legs para direcho ung spine mo. Mas mainam din po mag consult sa OB mo para may dagdag po advice or baka mag reseta sayo ng pampakapit para panatag ka. Maintenance ko po kasi now pampakapit at ung isoxilan na pang relax ng uterus. Konting tiis nlng po makakaraos din tayo.

Feeling ko pag kabwanan n sguro talaga. Ako kasi 32 weeks maglakad lakad daw ako ayung naglakad lakad ako at nagkocommute pa tricycle masyado maalog. Dinugo ako last week may buo pa lumabas, pero un yung after kmi mag do ni mster. But the day before kmi mag do masakit n tlga balakang at singit ko dahil nong nagtricycle ako at naglakad. Bed rest tuloy ako hanggang ngayon pero di maiwasan pag magisa ka lang sa bahay dahil need mo tlga gumalaw khit hugas saing luto.

Đọc thêm

hindi po kasi parepareho magbuntis ang mga babae may mga maselan din po na need ng Bed Rest.. meron din nmn na kahit nag eexercise nmn na CCS pa din..depende po kasi sa kung ano kaya ng katawan natin.. kung may history ng spotting or bleeding pwede nmn na yung house chores siguro..

mama ko din palagi ako sinasabihan, sabi ko maaga pa ko saka na kapag 36weeks na. napaka antokin ko na kc ee 😅 normal naman kc yon lalo na kapag malapit n kabuwanan grabe ang cravings at antok parang babalik ka sa 1st trimester.

enough na muna yung house chores. ang mahalaga kumikilos ka pa din. tska delikado sayo kasi may history ka ng bleeding. Tsaka mo na po idagdag ung paglalakad pag malapit ka na manganak.

36 wks ako pinaglalakad lakad na ng ob ko. mahirap manganak ng maaga sis. pwede ka magtanong din sa ob mo para sure. maselan kasi ako magbuntis

1mo trước

Thank you po… napapadalas na po pagtigas ng tiyan ko din… parang di po siya komportable sa loob… katulad po ngayon nakaupo lang ako naninigas po siya tapos mawawala tapos maninigas po ulit, palit palitan po…

same Tayo sis. mg 34 weeks gusto ko na mglakadlakad Kasi naninigas tyan ko

1mo trước

delikado nga po bsta hnd lng madalas