High TSH level
Hi mommies! May nakaexperience na po ba sa inyo na tumaas ang TSH level? Ano po ang mga nirecommend sa inyo? I was on my 6th week nung nakuha ko result ng lab test ko at nasa 7.5 ang TSH level ko. As per my 1st OB, normal lang daw yun tumaas sa 1st trimester. Pero nagpalit kami ng OB recently at nakita niya ang result ng TSH ko kaya nirefer niya agad ako sa Endo at for appointment palang kami this week.Mejo kinabahan ako ksi ilang weeks na ang lumipas at 9weeks na ako ngayon. Worried ako sa magiging effect kay baby. But praying na bumalik ito sa normal. #advicepls

