Di pa nakakapag salita ng sentence, mag 3years old na si LO

Hi mommies, may naka experience na din po ba dito na hindi pa nakakapag salita ng sentence si Lo mag 3years old na siya sa November. Pero nakakapag salita naman siya ng mommy, daddy, pag tinatanong siya anong name at age niya nasasagot naman niya. Pag tinatanong din about letters, colors, name of the planets, shapes, animals, o tawag sa ibang bagay na sasagot naman niya, pag may pinapakita akong pictures tas iaask ko anong tawag dun nasasagot niya. Pero pag kakausapin mo siya ng how was your day? Or kahit anong tanong na ang sagot ay sentence at hindi one word lang. Di niya magawa 😥 May dapat ba akong ika worry? 😥 Madaldal din siya di lang maintindihan mga sinasabi at kumakanta din. #advicepls #firsttimemom #pleasehelp #firstmom #1sttimemom #firstbaby #BreasfedBaby #CSmomhere

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mommy just practice open-ended questions with baby. Let him/her repeat din po yung sentences. Kapag nagpapa-identify po kayo sa kanya ng mga items, instead na ang sagot niya is yung word na yun lang, gawin niyo po isentence niyo yung sagot tapos ipaulit niyo po. For example: Mom: What color is this? LO: Blue. Mom. Very good. This is color blue. Say it with me. This is blue. When doing this make sure to emphasize po yung movements ng lips niyo at dapat makuha nito ang attention ni LO para gayahin niya ang lip movements niyo. Kaya po ang preschool teachers lagi red lipstick at OA magpronounce ng words ay para po makuha attention ng kids. If you also allow screen time kay LO, bawasan po muna kasi it lessens their speak time. Repeat lang po palagi yung sentences with him/her. Correct the words if malabo po. While it is true that kids who are 3 yrs old are expected to speak in 3-word sentences, may kanya-kanya din pong development ang bawat isa. Basta tyagain niyo lang po at palagi kausapin ng open-ended conversations and before you give anything na hinihingi niya, let him speak first.

Đọc thêm
2y trước

thank you so much mommy ☺️ gagawin ko po yang advice mo ☺️