nakunan din po ako twice nung year 2022. nagpahilot ako 1 beses lang kasi wala naman mawawala kung gagawin yun. pero as per my 3 OBs, hindi totoo ang may mababang matres kaya wala din matutulong ang hilot in scientific basis. ngayong year nabuntis po ko currently 17 wks na, kaya naging preggy ako nagpaalaga ako sa doctor last yr 2023. last yr din diagnose ako na may mild pcos sa left ovary. yung right ovary ko ang nagrerelease ng egg kaya ayun ang nakamonitor if may mature egg. before kami magconceive, nakavitamins ako madami depende sa case ko at treated as APAS na din kasi may 2 mc ako. suggest ko magpacheck up kayong mag asawa, aalamin yung reproductive structure mo kung anong mali. kung walang mali sayo, ichecheck naman yung sperm ng partner mo. yung mga vitamins ko nakafocus sya sa progesterone, egg quality, antioxidant at pampalakas ng immune system, depende yan kung ano irereseta sayo ng ob. eto mga OB ko w/ their specific specialization: OB-REI inalam med history ko kung bakit nakunan ako twice, OB-Sono/Fertility nagmonitor ng mature egg, at ngayon OB-Perinat sya naghahandle sa high risk pregnancy.
sa experience ko after mahilot, may kirot sya konti. sa ibang nabasa ko din nung nagpahilot sila sumakit puson nila. pero ingat ka kung magpaahilot ka, baka kasi mabugbog lang puson mo at laman mo.
Đọc thêm
Preggers