Need Advice

Hi mommies! I'm 7 months pregnant now. I have my LIP, before ako mag pregnant may work ako. December 2025 na dissolve yung company namin then got unemployed, January nalaman namin na Preggy ako. So up until now unemployed ako, im at high risk pregnancy din kaya di na ako nakapag hanap ng back up work hirap din maghanap ng work from home. My live in partner is a Real time Analyst sa isang BPO company. Salary nya kada cutoff is minsan 12k minsan 10k minsan 11k depende sa incentives din kase nila. Sya na nag shoulder since wala nga ako work. I felt guilty minsan napag aawayan namin ang PERA hindi naman nawawala yun sa isang relationship. Lalo na ngayon na im pregnant nga supposed to be na dapat mag ipon. Minsan kase napag sasabihan nya ako na maghanap daw ako ng work kahit Work From Home nga kase siguro nabibigatan na sya pero hindi naman sya nag sasabi na ganon sakin. Parang pahapyaw nya lang na mag work ako. Diko rin alam mga mi kase even 1yr na kami magka live in nakabukod lang kami ng room kase apartment lang din naman tong tinitirahan ng family nya nakahiwalay lang din kami ng room so ambagan syempre kase wala naman sariling bahay. Sa sahod nya mga mi 8k kada cut off binibigay nya sa Mother nya so tuwing cutoff may naiiwan lang samin na 2k or depende sa sahod nya nga. Lagi nya sinasabi na may binabayaran syang utang then yung ambag na din namin dito sa apartment electricity food and water. Then need ko din mag ambag ng 1k for water daw sabi ng mother nya simula nag live in kami nag ambag na ako monthly lang naman ang 1k mga mi pero now kase wala na akong work hindi rin alam ng mother nya yun so si partner pa din nag shoulder ng 1k ko monthly. Paano ko kaya makakausap partner ko? tuwing sinasabi ko kase na need namin mag ipon kahit pakonti konti sa sahod nya magkano lang din natitira. Tapos sinasabi nya na may credit card naman Mother nya tsaka Kapatid nya pwede kami manghiram, hays. Ayoko sana ng ganon mga mi gusto ko pa din may naiipon kami kada sahod nya kaso paano? wala talagang natitira huhuhu. Pati sister nya sinasabihan sya na mag ipon, kaso sinasabi naman ng partner ko sakin paano? I swear na pag kapanganak ko mag hahanap ako ng work ulit. Gusto ko din naman tumulong sa finances namin. Kaso paano ko masasabi na need muna priority yung baby namin? Until now kulang kulang pa din gamit ng baby. Nasstress na din ako mga mi. Wag niyo sana judge yung partner ko i need some advice lang po talaga. THANK YOU MGA MIII

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sis, una sa lahat, huwag mong sabihing walang natutulungan ka, kasi ang pag-aalalaga sa sarili mo at sa baby mo habang high-risk ka is your full-time job right now! Yung guilt na nararamdaman mo ay normal, pero try to find a calm, quiet moment (hindi pagkatapos ng away o pag stressed siya galing work) para pag-usapan ninyong dalawa ang konkretong budget breakdown, magkano ang actual na napupunta saan, para kahit 500-1000 pesos per cutoff ay ma-set aside talaga para sa baby essentials, kasi minsan mas madaling tanggapin ng partner pag may nakikita siyang numbers, hindi lang pananalita. Someone in my mum group mentioned na nakatulong din sa kanila ang mag-usap ng "family goals", hindi yung pinag-aawayan, kundi yung "ano ang gusto nating mangyari pagkapanganak" para mas positive ang dating ng usapan at mas nararamdamang team kayo. Yung credit card option ng nanay at kapatid niya, gets na may safety net, pero mas okay talaga kung baby expenses ay planado at hindi utang na mapupunta pa sa interest, kaya worth ipaliwanag sa kanya na gusto mo lang prepared kayong dalawa, hindi demanding. At siyempre, sis, as always, usapin mo rin ang stress levels mo with your OB kasi high-risk ka, importante yung emotional health mo para sa baby!

Đọc thêm