11 WEEKS NO BUMP

Hello Mommies!! I’m on my 11 weeks base dito sa Asian App. First time ko po so sobrang napapraning ako. Kung pwede lang mag ultrasound everyday para namomonitor ko si baby sa loob. Normal lang po ba wala pang bump at this time? Ung tiyan ko kasi parang bloated lang. as in parang taba lang. Pag di pa ako kumakain medyo maliit sya, pag busog naman malaki. Pag nag stomach in naman ako, nagfflat naman sya wala ako makitang bump. Wala din akong symptoms since Day 1 and hindi pa naglilihi. Last TRANSV ko po ay 7weeks pa lang and confirmed naman may embryo and heartbeat. I’m 4’11 in height and Petite po ako na medyo may tiyan before pa mabuntis kasi pagtapos kumain, upo agad. Gusto ko lang malaman if it’s normal na wala pa talaga bump at 11 weeks and when should I start seeing it? Napapraning lang talaga ako everyday. Thank you sa time na basahin ito and maraming salamat sa mga sasagot! 🤍

11 WEEKS NO BUMPGIF
25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Okay Lang yan mi. ako nga din eh Hindi halata sa tummy ko nyayon Lang medyo nag Karon ng Bump 20 weeks na. same tayo nakaka paranoid pala talaga kapag 1st baby. pero no worries po lalaki din tummy mo in time. Good Luck saatin. Hopefully healthy ang ating mga baby ❤️

Sis ako noon 6 mos na pero kung di ko sasabihin na buntis ako di malalaman ng kaharap ko 😅 suddenly biglang lumubo pagka8 mos like super laki ng tyan ko. No worries if walang bump o di kalakihan as long as healthy ang baby mo at nabibigay mo lahat ng needs nya sa loob.

12mo trước

Hayaan mo yang nasa paligid mo sis. Hanggat walang sinasabi na mali ang ob mo regarding sa pagbubuntis mo, nothing to worry.

same feeling. 17weeks na ako pero grabe maliit pa din. feeling ko baka di na lalaki or nagkaproblema ba c baby. buti na lng po at may nagcomment po sa post niu. medyo gumaan sa pakiramdam. 💕💕 basta healthy at ok ang pagbubuntis mo. wish you well po. 🙏

worry not. nag sstart ka pa lang po kaya ganyan. wait until u get to your 2nd trimester. magugulat ka nalang. but on my experience. i had my visible baby bump at my 8th month na. iba iba po. so dont worry. enjoy it and be careful on wat u eat

Influencer của TAP

I feel you, momshie! Normal yang nafefeel mo. Magkakaroon ka rin ng baby bump. 6 months na tiyan ko nun pero parang 3-4 months lang ang laki niya pero okay naman ang laki ng baby sa loob. At 11 weeks din parang wala lang din yung akin. 😉

Thành viên VIP

Normal lang yan mi, ako nga 3mos ala pa gaano bump pero nung nag 7mos boom ang lakii HAHAHAHA wag masyado mag isip mi, sundin mo lang din ang weekly or monthly check up para mamonitor si baby ❤️🥰

ako nga mhie 30 weeks bago visible baby bump ko hahaha petite din ako height 5'5 that's normal kasi nasa first trimester ka palang at payat ka di maganda din yung nagooverthink kayo

1y trước

Thank you mi. Yes po hindi na ako mappraning ngayon.

Influencer của TAP

Normal lang po yan momsh, depende din po talaga sa anatomy ng katawan natin. Sa akin po saka naging visible yung baby bump ko nung 5 months na po si baby hihi

Magsearch ka sa google kung gano palang kalaki ung 11weeks para magkabump ka. Malamang wala pa yan, hindi pa nman kasi yan buo.

1y trước

Galit ka po ba? Nagtatanong ako kasi first time ko lang. I’ve checked in Google and ang nabasa ko is 10-12 weeks start maging visible ang bump. The reason kung bakit ako nagtanong dito is because wala pa akong bump at 11 weeks, whereas, sabi ng google 10-12 weeks daw. If my post ticks you off, you can just leave it and continue scrolling. 🙃

Ako mi lumabas or mas visible na baby bump ko nung 5mos 😊😊 iba iba tlga tayo katwan mi. Pray ka lan. All is well 😊

1y trước

Oo nga mi eh. Akala ko kapag payat mas mabilis makita ung bump hehe. Thank you so much for the input mi.