should I stop breastfeeding to increase my baby's appetite for solid food?

Mommies, I need helpful comments. I'm excusively breastfeeding my baby, 1 year and 7 months old now pero mababa ang timbang 8.5 kg lang. May days po na hanggang 3 subo ng kutsarita ng rice with sauce lang ang kinain sa buong araw. The rest of the solid food served for her (fruits, veggies, chicken) ay sinasapa lang at iluluwa na. ? Tinatanggihan po nya lahat ng pagkain. Kahit pastries, konting kagat lang, ayaw na. Puro breastmilk lang ang gusto. As a mom, naaalarma po ako na mag-2 years old na si baby pero hindi gaano kumakain ng solid food, puro breastmilk lang. Normal po ba yung ganyan? Ayoko po Sana itigil ang pagpapadede pero nakakaramdam ako na sagabal na sya sa pagdevelop ng kain ni baby ng solids. Since nag1 year and 6 months po sya ay umiinom na sya ng 3 ounce of Pediasure everyday, pati Threptin at Heraclene araw araw po. Bago pa yun, tinry ko na appebon pero walang talab yun. Fern-c ang vit.c at Hovite ang multivitamins since nag-1 sya. Sinubukan ko na rin kasing magpump na lang ng bm para masanay syang kumain ng decent meal (baso na lang uminom ng bm) at hindi Dede lagi ang hanap pag gutom. But doing that seriously lessened my milk supply kaya binalik ko na rin sya sa direct latch uli after 3 days. Kapag po ba tinigil ko ang breastfeeding, magiging maayos na po sya kumain ng solid food?

should I stop breastfeeding to increase my baby's appetite for solid food?
13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hi sis same as yours c baby ko lahat ng nabanggit mo parehas cla magkaedad din 1yr and 7mos.na lahat ng ipapakain ko inaayaw nya lalo na sa rice, fruit at biscuit lng mnsan mostly dede lng sya lge matagal ko na rin gusto iistop tlga sya formula to increase her appetite kht anong vitamins at appetite stimulant tinary ko na rin pro no effect parin lge sabi ng pedia d lng sya nasanay sa food sanayan lng tlga daw.Her weight now 9.9kg lng hnd na increase mula nung pinalitan ko milk nya from pediasure to similac gain kya try ko ulit ibalik sa pediasure. Kya plano ko tlga at her age 2 stop na sya milk sa daytime only in night nlng bago matulog pra masanay sa food na. Nasa teething stage kc sya ngaun kya cguro isa din un wla sya gana masyado kumain. Worried na rin kc ako weight nya but need to continue her formula pra d lalo mangayayat kht na gutom sya ayw nya parin kumain ng solid.

Đọc thêm
5y trước

Pure formula c bby since 2mos.plng, dati din kc pediasure gamit ko for 3mos.bumigat nga sya kaso namamahalan nko kya nagchange ako sa similac gain pro d na sya nadagdagan ng timbang kya plano ko ulit ibalik ang pediasure pro hnd ko parin tatanggalin ang similac cguro alternate feeding nlng.

Ask nyo po pedia nyo kung pwede na sya sa fresh o full cream milk. Baka sakali po makatulong magkagana sa pagkain. Baby ko po kc 16months sya fresh milk na sya. Pero yun po ay kung willing kayo stop mgbf. Dapat po talaga more on solid food na support nalang gatas. Vit. B po ba vitamins nya. Not familiar po kc ako sa namention nyo na iniinom nya.

Đọc thêm
5y trước

Bear brand sterilized po. Minsan cowhead pag wala bearbrand. Ilugaw mo nalang po rice nya para malambot madali malunok minsan kc ayaw nila ng dry kahit my sabaw mas ok yung medyo malagkit ang rice. Vit. B naman po pala yung hovite pampagana po yun. Pero sa baby ko ceelin at growee magana kumain eversince kaya matimbang sya lampas sa edad nya pero payat lang sya tignan.

Napa check up mo na po ba sya sa pedia? Para mabigyan sya ng pampagana kumain. Dpat po kasi minsan nalang sya mag dede kasi 1yr old na sya. Mas lamang dpat ang solid food. Try mo mamsh wag padedehin para mapilitan sya kumain. Kaso nakaka awa naman pag ganon. Kausapin mo sya na dpat di na sya magdede lagi.

Đọc thêm
5y trước

Yes momshy monthly kami sa pedia kaya naapprove na i-pediasure at heraclene sya araw araw.

Try nyo po ung Propan TLC sobrang nakatulong po yan sa anak ko sobrang ganang kumain ng rice at ulam. Breakfast lunch and dinner kanin ang kanyang kinakain tpos ulam lalo na kung sarsa favprite nya un. malakas prin sya sa milk nya. He's 1yr and 9months po. 14kg na

Post reply image
5y trước

Bonakid 1-3 po

Thành viên VIP

Not necessarily mag iincrease ang appetite niya pero she can gain weight through formula. It's okay, after 1 year old, wala ng advantage ang breastmilk over formula aside sa tipid at bonding ni mommy at baby.

Thành viên VIP

If kaya mo pa ituloy magBF mamsh tuluy tuloy mo lang. Pero maganda na magconsult sa pedia para bigyan sya ng pampagana na vitamins. Good luck po and sana makakain na nang marami si bb ❤️

Breastfeeding is the best milk for babies kahit malaki na sya...the best parin po yan momsh

Yes po. try nito po. pero huwag biglaan. kasi maninibago si baby.

Momsh bka nagsimula na maglabas yung ibang ngipin ni baby

5y trước

Tingnan mo gums niya mommy if namamaga ba tsaka if yung laway niya madalas tumulo...yan signs ng lalabas na iba niya ipin

Hanggang mag 2 years old sila dumedede pa rin yan