May halak parin si baby.

Hi, mommies. Hanggang ngayon na 2 months old na baby ko ay may halak parin siya. Wala pa siyang 1 month old ay nagkaroon na siya ng halak. Pina check up na namin siya at niresitahan ng antibiotic na iinomin niya for 7 days, pero ganun parin hindi nawawala. Sobrang nag aalala na talaga ako. May parehas ba na case ng baby ko po dito? At ano po ginawa niyo?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Last 2 weeks galing kami pedia dahil bothered din ako sa halak nya at tatlong pedia na napuntahan namin and lahat sila sinasabi na normal daw ang halak. Pero pag sinabayan ng sipon at lagnat dun na daw nakakabahala. 1st pedia suggested na mag nebulizer baka daw allergy kaya may halak. 2nd and 3rd pedia have the same opinion, Normal ang halak, kalalakihan nila yan. If ang halak ang tunog ay nasa dibdib at may kasamang sipon at lagnat dun magpunta agad sa pedia. Mag 3 months na baby ko at napansin ko nawala na halak nya, pero dati talagang super lakas ng halak nya tunog makapal

Đọc thêm
2t trước

Ang pedia po na last naconsult sa baby sabi pag halak sa dibdib or may vibration dun mo po ioobserve, if magiging ubo so far hindi sila nagbigay ng gamot samin. nebulize lang ang suggestion para matunaw ang halak

Sabi ng doctor may plema na daw ang halak niya kaya siya ni resitahan ng antibiotic pero hindi parin nawawala.