stretch mark

Mommies grabe din po na stretch mark nyo? Yung skin kasi feeling ko ang lala ako lang ba ganto and hapdi din nya. 32 weeks

stretch mark
48 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

okay lang yan mamsh, part yan 🙂 magfade naman yan paunti unti pag nanganak ka na. alagaan mo na lang ng lotion... kahit di naman kamutin, lalabas yan coz of weight gain during pregnancy.

Mukang mahapdi nga po... Magte-32 weeks na din po ako. Wala pang stretch marks. Sana di na magkaron. Mama ko naman walang stretch marks. Hindi din nangangati ang tiyan ko..

yes po mommy, actually mas malala pa po yung saakin dyan but i'm already 37 weeks preggy, at araw-araw naman po ako nag lo-lotion kaya nagtataka ako bakit ang dami padin 😅😂

Mag-lotion lang po every day, pagkatapos pong maligo. Kailangan po kasi na moisturized ang skin para maging elastic at hindi maging makati at mahapdi kapag nai-stretch.

Ok lang yan momsh! Iba iba kasi talaga katawan ng tao. Ako panay lotion ako di ko rin kinakamot peronagkaron parin. Kaya hayaan mo nalang mga pabida dyan hahahahaha

pangtatlo ko na to pero ndi po ganyan mommy.lagyan mo nlang ng lotion mommy kaso anjan n yan eh...yaan nyo nlang po.tapos marami namn product n mkatangal jan.😊

Try niyo po gumamit ng VCO. Prinescribe ng OB ko para daw hindi makati. Pero dahil sa makakalimutin ako at naubos na, dun na nagstart magpakita. 😅

try nyo po lotionan daily. totoo po yun na minsan nagdadry kasi balat kaya masakit/makati. nivea po yung kulay blue para mamoisturize

Sa akin po ay hindi masyado sabi kasi ng ob ko maganda daw balat ko sa tiyan makapal kaya hindi basta basta magkakaron ng stretch mark...

5y trước

Parang ang laki po kasi ng tiyan mo po...

nag umpisa lumabas stretch mark ko nung 8 mos preggy ako. akala ko di ako magkaka stretch mark eh, 37 weeks and 6 days na ko now.