Kung kayo yung nasa sitwasyon ko, ano ang gagawin nyo?

Hi mommies, first time mom ako at nakikitira kami sa parents ni hubbs all goods naman nung first two months ni lo, pero nung nag three months si baby nagsimulang sigaw sigawan, kinukurot, pinapalo, one time dinaganan nya yung rocker ni lo muntik na mahulog ng bunsong kapatid ni hubbs, napaparanoid ako na baka may long term effect yun sa hearing ni baby at sa development nya dahil di sya nakakatulog ng ayos, hindi minsanan yung pag sigaw nya kay lo at pananakit kundi araw araw sa tuwing nakikita nyang tulog or nasa trabaho si hubbs. Gusto nya laging nagugulat si lo, pag nagulat nya tatawa sya ng malakas. Lagi ko sinusumbong sa mama ng asawa ko pero hindi pinag sasabihan o pinapagalitan yung bunso nila ang sasabihin lang sakin e "magtiis nalang kasi ganyan talaga bata dito (sa bahay)" isang beses sinigawan nya si lo habang tulog hindi na tumigil sa pag iyak si lo kaya nakurot ko yung bunso nila, after non chinismis nako ng byenan ko na nakukurot ko yung anak nya. Mali ba na maging paranoid ako mga momsh?

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

at 3 months? grabe. wag mona ilabas sa kwarto baby mo. baka may something dun sa bunso nila.. and kung pwede bumukod nalang kayo.. hihintayin mo pa bang may mangyaring di maganda sa baby mo?

2y trước

sinabihan ko yung asawa ko na bumukod pero ayaw nya malayo sa parents nya at lagi nya sinasabi sakin na kapag may ginawa ulit kay lo isumbong ko sa mama nya wala naman ding ginagawang action mama nya, kami nalang ang lalayo kung ayaw nya