Ay mii,share ko lang ha.
Yung 1st baby at 2nd baby ko is never ako naka experience nyan.
Pero itong 3rd baby ko,kakapanganak ko lang last Sept25,so here's what happen.
‼️ September 22 nagising ako na hindi ako as in makabangon, feeling ko naputol yung balakang ko. Grabe ang saket to the extent na binubuhat ako ni mister para lang maka-CR. This was around 38W3D.
(Btw, September 11 palang 3cm na ako which was 36W6D palang ako that time and umabot akong 38W na wala syang progress)
‼️ September 23,same case sobrang sakit ng katawan at balakang ko,pero never ko naisip na naglalabor ako dahil hindi sumasakit tyan ko,and ang sakit ng balakang ko is yung feeling na napuputol talaga,parang nabalian ng buto.
‼️ September 24,ng gabi, Same case ,pero nagpunta ako ng CR,nagpoopoo ako,since 3rd baby ko na nga ito, Sabi ko sa sarili ko hababg nag poopoo "ay halla,malapit na yata ako,gumuguhit na sa puson ko yung sakit" (pero no intense pain parin kumpara sa unang 2 kong anak).. Edi lumabas na akong CR mii, habang naglalakad pabalik sa kwarto ko,tumutulo na yung tubig. Dire-diretso na yung tubig. So napasugod kami agad ng hospital and pagdating don( no labor pain parin ako) 8cm na ako pero sobrang taas pa ni baby .
‼️Inabot ng September 25 ng madaling araw,5am, bago ako nanganak kase na stuck ako sa 8cm magdamag mii,no active labor kasee ako,ang ending ininduce pa ako kahit 8cm na ako. Yun pala cord coil si baby.
‼️‼️pasensya na sa long story.. haha salamat sa pagbasa.
Đọc thêm
Got a bun in the oven