Cefalexin antibiotic
Hi mommies, Ask ko lang if sino na nakapag take ng cefalexin antibiotic dito while preggy? Or any antibiotics na recommended ng Ob Safe po ba talaga wala po bang naging problema kay baby pagka labas niya? In my case naman kasi namamaga gums ko dahil sa sakit ng ngipin and hindi na talaga humuhupa pamamaga niya umaakyat at lumalapad na yung pamamaga hindi na ako komportable sa sakit. Ang nireseta ng Ob ko cefalexin antibiotic 3x a day alam kong hindi naman irereseta ng doctor yun kung hindi safe pero natatakot at napaparanoid ako baka mamaya magkaroon ng problema kay baby pag labas niya. Isa pang nakakapag bigay ng takot at stress sa akin ay yung MIL ko dahil laging sinasabi na kesyo magkaka problema ang baby sa utak etc… at kawawa daw pag ininuman ng antibiotic hayss :((