Sharing toys with other kids

Hello Mommies, ask ko lang how do you practice sharing stuff with your toddlers? I have 2 yo boy, and it's kinda challenging for me to teach him share his toys with other kids, kahit sa mas bata sa kanya di sya nagpapahiram 🥲 What ahould I do? This is a bad habit na baka makalakihan nya.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Saakin, tinuruan ko lang siya slowly. Siguro at the age of 3 or 4 doon siya fully natutong mag share ng toys niya. Pero careful lang mommy ha. If your Lo is currently using the toy at gustong kunin/hiramin ng other kids, huwag mong ipipilit sakaniya na ipahiram, sabihan mo nalang yung mga bata na mag hintayan sa turn nila. This way, pati yung kalaro niya e natututong mag share din. Ganoon naman kasi diba? Tayo ngang mga adult pag ginagamit natin ang isang bagay tapos hiniram ang sinasabi natin e tapusin lang natin gamitin tsaka natin ipapahiram. Ang nangyayari din kasi pag pinilit ipahiram sa ibang bata kahit ginagamit ng anak natin, magiging habit ng other kid na kuhanin yung toys kahit ginagamit pa ng anak natin, pag sila ang laging magkalaro then paulit ulit lang na gagawin nung other kid yun dahil nakukuha niya agad gusto niya, siya naman non ang di matututong mag share. Ganiyan kasi yung anak ko at pinsan niya. Pag andito saamin yung pinsan niya at may gusto siyang toys ng anak ko, aagawin nalang niya, or pag di pinahiram iiyakan niya tapos yung nanay pipilitin yung anak kong ibigay. Ang ending ginagaya nung anak ko yung pinsan niya na iniiyakan yung gusto. Kaya careful tayo sa pag share din mommy.

Đọc thêm

toddlers are naturally selfcentered, hindi po yan bad habit. but unti unti you can teach him na we can share with others and play with friends or cousins or even siblings. sa mundo nila kasi mostly nanay at tatay lang ang kilala. just practice sharing even at home. teach yung "borrowing" and make sure you give it back and say thank you for letting you borrow the toy. but don't rush kasi it may be too stressful kasi sharing might make him feel na the other kid took something away from him. it takes time. just practice it and eventually he will know the value of sharing.

Đọc thêm