U.T.I
Hi mommies ask ko lang. 3months preggy po ako at nadetect na may UTI ako (18-20) so niresetahan po ako ng CEFALEXIN Antibiotic ng OB ko. Ang kaso natatakot po ako sa sinasabi ng nanay ko na wag daw po ako iinom ng kahit anong gamot pag buntis ako dahil yung kapatid ko daw dati naging blue baby dahil sa paginom nya ng gamot din sa UTI. Sino po dito yung nag ka UTI sa ganitong month? Nag antibiotic po ba kayo? Safe po ba? Thanks ?
May uti na ako sesh bago magbuntis. Pero di na ganun kalala ngayon kasi nagwawater therapy ako. Wala akong gamot na iniinom kasi baka makasama kay baby.
Prescription po ng OB safe po yan mamsh. Antibiotics yan so dapat tapusin ang paginom in days or baka umabot kay baby ang infection. Tryst your doctor po.
mommy,safe nmn yan.yan dn nireseta skn ng ob ko noon at once na di gumaling yang UTI mo baka makaapekto ky baby kaya ms mahirap kung di mo susundin ob mo.
Take the meds mamshie. Di nman po sila mgbgay ng antibiotic na makakaharm sainyo ni baby. Mas mahirap po pag may uti kapa tas ipapanganak mo na si baby.
fresh buko lang katapat nyan.. ganyan din ak inaraw araw ko pag inom ng buko ung galing biyak talaga hindi ung binibenta sa kanto na may halong yelo.
Ok naman magtake basta May reseta ng doctor. Drink lots of water.. and buko juice. Iwas sa soft drinks, salty foods, coffee,tea, concentrated drinks.
Kung hndi mo susundin ob mo. Baka hndi lng maging blue yang baby mo pag labas. Hndi naman tayo bibigyan ng makakasama satin at sa dinadala natin.
Taas ng uti mo..inumin mo yn kase kpg npByaan my epEkto sa baby..sbyan mo ng water and buko juice.. kung kya mo 2 liters or more n tubig per day
Itake mo lang kung reseta mismu ng OB mo. Dahil meron tlga pangbuntis na gamot para sa UTI. Normal lang yan sa mga buntis na nagkakaroon ng UTI
nagka uti din ako parati nga balik ng balik... hanggng sa manganak na nga lng ako my uti pa din ako ee... safe yan basta sabi ni doc tiwala lng