High Risk base sa center ng aming barangay
Hi Mommies! Ano po bang ibig sabihin ng high risk? Yan po kasi ang sabi sakin nung nagparecord ako sa center namin. Saba po ay may sumagot, thank you ♥️
maselan o complicated ang pregnancy. like me, nasa high risk category ako ngayong 2nd baby not because of highblood, APAS, DM, or age, but because may history ako ng stillbirth sa 1st baby ko.. kaya sa hospital po ako talaga nagpapacheck up at manganganak, yung may unit for the high risk preggy :) better seek consult sa OB na nasa hospital na lang Sis to monitor further yung pregnancy mo. Godbless po.
Đọc thêmKomplikado po yung pagbubuntis niyo kaya kailangang bantayan. Marami pong causes kung bakit nagiging high risk pero dapat sa ospital kayo magpa-check up kasi mas hands on po sila and laging available. Ingat po mi
Hi momy, sa clinic po ako nagpapacheck up monthly, may ob din po ako. Dito po kasi sa amin pag preggy ka need din po ng record sa center, nagulat lang po ako kung anong naging basehan at nasabing high risk ako e normal naman po bf at weight ko. Normal po ang BMI ko
Nanganak ka po ba ng premature? or may history na nakunan? or may edad na po nag buntis? yan po category for high risk. Or may health issues
Pa check up po kaya sa OB doctor para malinawan ka po
Komplekado po ang iyong pagbubuntis, Doble ingat po
First time mom