Ftm ano po pampakalma sa newborn ?

Mii ano po pampakalma sa baby tulog n sya pro ayaw palapag nggcng sya agad at iiyak puyat n aq plgi

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

we experienced that sa 2nd born namin. salitan kami ni hubby sa pagbuhat or pagpapakalma or pagpapatulog kay baby. kaya we learned technique kung paano sia ibaba ng hindi magigising dahil iiyak sia. magaling magbaba ng baby si hubby. kaya ako, kapag binaba ko si baby, hindi ko muna tatanggalin ang braso ko. gagalaw sia pero hindi iiyak. pahihimbingin ko muna. unti-unti kong tinatanggal ang braso ko. kapag gumalaw, stop muna then pahimbingin ang tulog. i did this until matanggal ko ang braso at kamay ko. kapag hindi pa makatulog dahil iyak ng iyak (at nagawa na namin ang milk feeding, burp, palit ng diaper), ito ang pampatahan ng baby namin: 1. buhatin sia using The Hold. si hubby ang gumagawa nian dahil natatakot ako magbuhat ng ganun. 2. lalakad kami habang buhat sia. kapag sa gabi: dim ang light, may lullaby song. 3. gagayahin ko ang buhat ng iba dahil tumatahan sa iba. 4. pagdating ng 2 months, bumili ako ng tinybuds oils for calm and restful sleep (happy days and sleepy time oils). sinunod ko ang tinybuds oil chart since 2 months pa lang si baby at sensitive pa ang skin. hindi ko sia directly nilagay sa skin dahil sensitive ang skin ng baby ko. pinahid ko na lang sa damit nia. eventually, na-outgrow ni baby ang ganyang phase.

Đọc thêm
3mo trước

Thankyou mii sa tips❤️