Paranoid Mom
Hi mi, pa help naman po. si baby ko po kasi ay my low birth weight. pinanganak ko sya ng may 2.2lbs lang pero nsa 38th weeks naman sya. pinayuhan po ako ng Nurse na pinag checheck up-an ko na yakapin palagi si baby kasi nga malamig ang panahon tapos sabi nia di pa daw kasi kaya mag generate ng sariling body heat si baby especially kaunti lang yung muscles nia dahil maliit nga po sya ng lumabas. Nung mga nakaraang araw, nagbabasa basa po ako ng mga article tungkol sa low birth weight at nalaman ko na maraming kaagapay na pwedeng sanhi ang pagiging Low birth weight ni baby. Isa na po dun yung tinatawag na SIDS. Ngayon, Ilang araw na po ako walang sapat na tulog at kain kasi palagi po ako nag aalala kay baby ko. Di ko po alam ang gagawin ko para patahanin ang utak ko. Pa help naman mi, kung paano mo na overcome yung ganitong sitwasyon ( kung nangyari man po ito sayo.