RASPA PLZ HELP ME

mga momsy 6 weeks and 5 days no heartbeat si baby hindi ako dinudugo..need ba talaga i rasap or may pede ako inumin na gamot para lumabas natatakot kasi ako mag pa raspa..plz answer me po salamat

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako din takot magpa raspa. nung nakunan ako last year, nawalan ng heartbeat si baby at tumigil na sya mag develop ng 6 weeks. after 2 ultrasounds, wala na talaga sya heartbeat and di rin ako dinugo. I was advised by the hospital na antayin ko na duguin ako yung tipong may laman laman na yung lalabas and niresetahan lang ako ng evening primrose kasi super closed ang cervix ko. after 2 weeks, kusang lumabas si baby 😢. nung inultrasound ulit ako, complete miscarriage na sya so no need for raspa. pero if ever na may natira pang products of conception, need yun iraspa. hugs to you and pray lang mi ❤️

Đọc thêm
4d trước

hello Po mie. Nung kusang Po bang lumabas baby mo my any pain po ba kaun nafeel, like prang dysme Po?

ganyan po Ako nung PAG dating ko Ng 3months na Yung baby ko dinugo Ako and that time nag pa trans v Ako Yung baby sa tiyan ko Hindi lumalaki and Wala ding heart beat kaya Yung case ko nakalagay don is Blighted ovum or parang walang baby na nabuo parang nabugok ,Ganon. kaya nag pa raspa ko and base sa experience ko Hindi Naman talgga masakit as in Wala Kang mararamdaman. Kasi may anesthesia Yun kaya wag Ka matakot lagi lang mag pray Kay lord. and sumunod kung ano Yung suggest Ng ob mo

Đọc thêm

Mag second opinion po muna kayo, may ganyan po talaga mag antay pa po kayo ng 1week or 2weeks. Baka mamaya magsisi ka nagparaspa ka agad. Malay mo after 1week may heartbeat na yan. Second opinion po muna kayo, kawawa naman ang baby.

bakit gusto mo magpa raspa ee .. Hindi ka naman pala dinudugo Hindi tsaka Hindi ka naman raaspahin kung Hindi ka naman dinugo ... maghintay kalang ng ilang weeks baka mamaya magkaheart beat na baby mo???

3mo trước

okay na po na Raspa na po ako naka apat na TVS na po ako.

meron second opinion mhie sa ganyan situation mo pwede pa magka hb si baby mo pababalikin ka naman after 2 weeks for another ultrasound minsan kasi late ang hb ng ibang baby pray lng po kayo

mhie, wag muna padalos dalos po antay ka pa po 2weeks po baka po kasi pag nag pa trans v kana baka meron na po yan. tyaka kana po kung confirm na po talaga.

na raspa na po ako nung last week lang po,kasi lumabas na si Baby at base sa ultrasound ko may natira pa kaya ni Raspa po ako

antay lang muna kayo may second ultrasound ako nga 9 weeks bago nakita heartbeat ni baby

4mo trước

kumusta na Po kayo Ma'am Abigael??na raspa na Po kayo??

had this early this year. opted to wait for bleeding then natural mc ako.