Nakaraos na! Just wanna share EDD (based on 1st ultz/tvs): August 1 DD: July 31 via Normal Delivery
Mga momshies na Team July/August! Laban lang po. You'll soon meet your little prince or your little princess. Ang pinaka tip ko is prayer + walking. 3cm lang ako nong pumunta ako ng ER, sabi ng mga nurses don matagal pa raw baka pauwiin pa ako pero grabe na talaga yong pananakit ng puson at balakang ko kaya di na rin ako pinauwi ng OB. Ang sabi sa kin mag walk lang muna ako kasi di pa ako pwede i admit. Naglakad lakad ako sa hallway ng hospital then after 2 hours, naging 6cm ako, tas after another hour naging 8cm. Inakyat na ako sa delivery room kasi sobrang in pain na ako. Pagdating doon 9cm pero di pa pumutok ang panubigan ko. Pag IE sakin after 5 mins kasi halos mamilipit na ako sa sakit 10cm na ako then nag water rupture na. Super sakit in my experience. Nakakapagod sa kalagitnaan pero kapit lang. Nag pi pray ako every stop ng contraction at focus sa pag ire. And the moment na marinig mo na iyak ni baby, the pain is all worth it. Fighting mga momshies especially sa mga kabuwanan na dyan! Btw, a week before my delivery po wala akong labor pains. Nasakit lang ng very rare times, tas may kaonting brown, mucus plug. Yon lang. 2 days before due date may blood discharge na. Don't stress yourself. Be prepared mentally and physically po. Fighting momshies! 🤰❤ ❤💛💚 #pregancyjourney #Deliveryprep #labor