Bleeding @ 35 weeks
Hello mga Momshies! Baka may similar experience din kayo. Kaninang umaga nagising na lang ako na basa ang underwear ko with lots and chunks of blood. Tinawagan namin agad si OB and nag-rush sa ER. Nung 1st IE sakin, close pa naman ang cervix ko kaya pinauwi muna ako and niresetahan ng pampakapit. Sa hapon pinabalik ulit ako para turukan ng pampalakas ng lungs ni baby. Then 2nd IE, close cervix parin. So hindi ako in-admit. God is good safe naman kami ni baby and normal ang heartbeat nya. Wala rin kasi akong naramdaman na masakit sakin like balakang or pwerta. Baka meron po dito same experience sakin? Pa-share po! Thank you 😊 #FTM