Aswang
Mga momshie naniniwala po ba kayo sa aswang
Sa mga nababasa ko at kwento na din ng friend ko na nangyari sakanila habang buntis siya. Pero ngayon buntis ako wala naman nangyayaring ganun dito sa amin. Buti na lang din 😁
hindi eh, at in case totoo man, dapat mas matapang ka don sa aswang, preggy ako pero cnb ko na sa sarili ko walang makakapanakit sa baby ko kahit ano pa yan
Ang asawang ay kampon ni satanas kaya HuwAg mo siyang pansinin para Hindi ka rin galawin ang Diyos ilagay sa puso at isip para Hindi tayo magalaw ng masama
hindi kasi kung oo edi sana nakita na ako bata palang ako di naman ako naniniwala sa aswang mas natatakot panga ako yung sa palabas hahahahahha
Para sakin yes hahaha nananaginip ako ng aswang tapos sa bintana ko parang may tao lagi. Wala naman masama kung maniwala ka o hindi ☺️
yes, lagi ako may naka pardibling bawang sa katawan. nag sasaboy din ako ng asin sa mga gilid ng bahay
opo, yung kabit ni mister ahaha aswang! nanguguha ng asawa ahahha!
Hindi po walang katotohanan pure kaignorantehan lang po. Science approach ang best paniwalaan.
Nope. I haven’t seen one in actual real life. Only in da pilipins may aswang? Ganernnn???
opo sa probinsya. danas ng mommy ko noon at sa panganay ko, walang halong biro jusq.