late bloomer baby boy 2yrs and 9mos old
Mga momsh na may anak na late bloomer, pahingi naman tips kung paano nyo naturuan baby nyo? Yung anak ko kasi ni isang word di pa sya nag sasalita, ung kusa kang tatawaging mama o papa. Pero kapag pinabigkas mo sya ng mama, kaya naman. Pero alphabet A to Z kaya nyang bigkasin at kabisado pa. 2 yrs and 9mos old baby ko. Nakakaintindi naman sya, nauutusan, natuturuan. Nakakasunod sya sa lahat ng bahay. Nakakausap nga sya eh, pero bulol sya as in wala kang word na maiintindihan. Tinuruan ko sya ng urine potty train kahapon, at nakuha naman nya agad, buong araw di sya nag diaper dun lang sya nag wiwiwi sa potty nya. Ngayon naman gusto kong turuan mag poop sa isang potty, kaso di naman nya maintindihan ?♀️ Uupo sya don tapos iire kunwari pero naglalaro lang ?♀️ pano ko kaya sya matuturuan dun ? need kasi magtipid sa diaper gawa ng lockdown kaya pinipilit kong maturuan ??♀️ tips naman mga mommies! Thank u!