Panganganak

Hi mga momsh! Ask ko lang po kung puwede ba manganak sa lying in pag first time mom? Naguguluhan nko. Sbe ng parents ko wag dw ako papayag na s lying in ako manganak lalo na first baby ko tas may memo na ngayon ang DOH at philhealth about dun. Kaso nung sinabi ko yun sa biyenan ko, hindi sila naniniwala. Bakit daw siya halos mga anak niya sa lying in lang. Sampu pa yun. Tas yung pingpapacheck upan ko naman daw na lying in, subok na yun at madami ng napaanak. Nakakaistress. Manganganak n lang ko hindi ko pa alam kung saan. Naka stay kasi ako ngayon s biyanan ko tas nasa province parents ko. Sabi ko nga sa parents ko, sila makipg usap dto s parents ng bf ko. Kasi hindi naman ako pinapakinggan. Naiistress lang akom 24 yrs old. First time manganganak. 32 weeks preggy here. Thanks

90 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Hi mamsh same scenario when I was pregnant with my baby. I am planning to gave birth din sana sa lying in but, since it was a first baby & grand child for both sides? my parents did not agree so I ended uo giving birth sa private hospital. I traveled taguig to quezon city friday night.

Nasa paguusap nyo ng partner mo yan mommy. For safety and if ever may emergency choose hospital though mas pricey. Ikaw as the mommy na manganganak, san ka ba mas magiging ok? Either way kapag normal pwd. I preferred hospital manganak kasi takot and mas prefer ko ang hospital setting.

Basta po wala kang komplikasyon, normal lahat ng lab test mo, no need to worry kung sa lying in ka.. Kasi kung meron ka problema like sample highblood ka or mataas sugar mo irereffer ka ng lying in sa hospital tlga kasi hindi sila pwede mag accomodate lalo na kung high risk ang patient.

4y trước

reresetahan ka nila ng antibiotic, then after mo mag take nun magrerequest sila ulit lab test ng wiwi mo.. pag normal na ok na yun.. yun nga lang kung manganganak kana tapos my uti ka pa si baby mo ang kawawa kasi for sure iaantibiotic sya at under observation dahil paniguradong magkakainfection sya sa dugo. sa case na ganyan hindi yan kaya ng lying in kaya for sure irerefer ka parin sa hospital.

I gave birth po sa lying in. Unang baby ko rin. Nagdasal lang ako. Sa awa ng Dyos ok naman lahat. Pray ka lang din ipag pray mo kung saan ka ilead ni Lord na manganak. Ang importante Kung saan kayo magiging safe ni baby. Goodluck and congrats lakasan mo lang din ang loob mo

Okay LNG din manganak SA lying in. As long as registered sila as legal. Ako po manganak Ng panganay ko SA lying in Lang din. And no problems namn po. Mas maganda nga manganak dun dahil pumapayag sila na may mga ksama Ka SA loob manganak. Pero depende po SA lying in.

Sis may lying in naman na natanggap ng firsr baby 😊 ako first baby halos parehas lang tayo 33 weeks nako ngayon 😊 kase mas safe sa lying ih kesa sa ospital dont get me wrong ha hindi na din kse natin alam kung safe ba yung nakakasalimuha natin sa ospital 😊

Bawal na daw po kasi talaga manganak sa lying in o center pag first baby, pero meron pa rin naman po mga lying in na tumatanggap as long as na kaya mo na inormal at wala ka problem sa health mo at kay baby. Mas better na rin sis kung sa hospital ka manganak.

Mas okay po sa lying in if hnd k nmn high risk sa panganay ko lying in lng ako 16 yrs old lang ako nun. Bka mgka phobia kpa pag sa hospital ka sa isang kama tatlo kau hihiga doon unless kung mg pprivate ka sa hospital sa lying in mas maaasikaso ka doon

Pwde naman po as long as you don't have any existing medical condition Like eclampsia or heart problem. My panganay was born in lying-in too and base on my experience it's quite a relieve to gave birth in Lying in without any other patients and toxic ward.

Pwde ka naman manganak sa lying basta hindi maselan ang baby mo at naka tamang position si baby. Pag sa hospital naman, cesarian dun ginagawa. Malaki kaba mag buntis? Usually kasi pag maliit naman sa lying in pde na at naka cephalic position si baby.

Đọc thêm