Nasstress napo ako at nag ooverthink na pabigat ako

Hi mga mommy normal lang po bang iyakin ang isang buntis at overthinker kase po narinig ko po kase yung asawa ko at ang kanyang papa na pinaguusapan ako na ang arte ko daw sa pagkain na kesyo daw yung mama ng asawa ko noon is hindi naman ganun na kesyo napakaarte ko daw na buntis ...sabi naman ng asawa ko sa kanyang papa na magkaiba daw abg nararanasan ng buntis..pero pinapapilit parin ng papa niya na ang arte arte kodaw maglihi at wala na nasabi yung asawako ..nasa isang bubong kase kami at lately kase sumisikip yung budget namin kase hindi naman nakikishare yung tita niya at papa niya pero andami naman nilang pera...parang pinamumukha nila po sakin na pabigat ako sa anak nila nasasaktan po ako at dko mapigilang umiyak...nassstress na po ako gusto ko na pong umuwi samin please po bigyan niyo po ako ng advice kung anong dapat kong gawin #dkonapoalam anggagawin.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mommy, normal lang po na iyakin or maramdamin ang mga buntis. Ganon talaga hindi pareparehas talaga ang mga buntis may sensitive at meron nmng hindi. Tulad ko buntis ako sa pangatlong baby ko. Sa unang baby ko wala akong kaarte arte sa pagkaen. Bukod lang talaga sa gusto ko malinis paligid ko ganon. 2nd born ko mas naging pihikan ako sa pagkaen or ang pili ko sa pagkaen. Pero same lang sila ng gender ng 1st at 2nd born ko. Ngayon sa 3rd baby ko hindi nmn masyado pero ibang pagkaen nmn ang mga hilig at gusto Kong kainin kumpara sa 1st at 2nd child ko. Na dumadating sa point na wala nako gustong kainin, wala nako maisip na gusto lo kainin. Hehe sa mga pamilya nmn ng mister mo, mas maganda talaga nyan nakabukod kayo. Sa 1st child ko naranasan ko lahat nung nakipisan ako sa byanan ko. Napaka hirap kung nung mag jowa pa lang okay ang byanan nung tumagal at nagka anak dun na daming demand lalo na pangengealam sa baby. Asahan nyo na pagka panganak mo pati sila papakealaman dn pati anak nyo. Kung kaya nyo nmn bumukod, bumukod na kayong mag asawa. Masarap mamuhay ng kayong dalawang mag asawa lang mag kasama sa iisang bubong na walang taong mamatahin bawat kilos mo. Yun lang naman 😊 sana makatulong 😊

Đọc thêm
11mo trước

Yun lang mahirap talaga yan. Lalo na hindi makaalis sa puder ng magulang tapos nag iisang anak pa. Pero kung may paninindigan yung partner mo at May sariling desisyon para sa binuo nyang pamilya susundin nya yung makakabuti sa inyong mag anak lalo na sayo buntis ka pa nmn. Dapat maintindihan dn ng magulang ng mister mo yon lalo na may sariling pamilya na at magkaka anak pa. Sabi ko sayo mommy napaka hirap ng ganyang sitwasyon. Ex ko nga yung tatay ng 1st born ko ganyan na ganyan pero yun nmn mama's boy. Sobra. Ganyan dn. Tapos walang sariling desisyon. Naka dipende pa sa magulang. Promise ako na nagsasabi sayo masisira relasyon nyo dahil sa magulang ng mister mo. Dadating pa sa point kakampihan nya magulang nya kesa sayo. Swerte ka kung ipaglalaban ka nya at kaya nya tumayo sa sariling Paa nya pero kung hindi mahirap yan. Magulang ang kalaban mo.

Although naiintindihan ko ang mister nyo na hindi maiwan ang magulang nya, in the end, walang ibang solusyon sa problema nyo kung hindi bumukod. Tama po yung ibang comments, pagbubuntis pa lng yan, expect more stress to come kapag nandyan na si baby. Kausapin nyo po ang asawa nyo, try to think of a way na makapag-compromise. Yung makakabukod kayo nang hindi naman nya napapabayaan ang magulang nya. You can't please everyone so expect na magalit ang in-laws, pero in the end, and priority nyo dapat mag-asawa is your own family.

Đọc thêm

Bumukod po kayo para hindi nyo na po maranasan pa ang mga paghihirap kung nasa puder kayo ng pamilya ng Mister nyo po. Pagdating sa pagdedesisyon sa bata, di po kayo makakakilos as purely magulang ng bata kasi andami pong kailangang iconsider.