something on my nipple
Hi mga mommy. First time ko lang po magbuntis. May something po kase sa nipple ko na wala naman nung hndi ako preggy. Alam nyo po ba yan kung ano? Please help me po. ?
Ganyan din sakin dati. Lagyan mo baby oil patagalin mo ng 5 mins saka mo tanggalin gamit yung malinis na towel. Di sya masakit basta patagalin ang baby oil. Pinagawa sakin ng pedia ko yan.
Omg! Akala ko ako lang meron nito. Nung nag do kami ni mister, sinupsop niya dede ko. Tapos natatanggal niya daw yan hahahaha. Sabi ko di ko alam kung ano yun hahahahaha share ko lang po
Dumi lang po yan mamsh pag magpapadede kana po papalinis nila sau nipples mo or better linisin mo na po bago kapo mamsh manganak para ready to latch na xa ni baby pag labas😊
Kung ako sau wag mo munang tanggalin hanggang ndi ka manganak ksi once na linisin moyan lalabasan ka ng gatas nililinis lng yan pag nanganak ka pag ipapa dede na sau ung bata
Normal Lang po Yan mommy Yan PO KC ung prang first layer NG nipple ntin tpus mgiging dumi palagi mo lang cya linisan NG lukewarm water at bulak maginhawa s pakirmadam promise
Try to search Montgomery's tubercles pero minsan dumi din. Bago k po maligo babaran mong oil. Habng nalikigo ka kusa g natatanggal or try mong tanggalin kung hindi natanggal.
Ako din first time .. Dumi po yan mamsh ... nililinis ko po ung akin with baby oil and cotton swab dahil hindi masyadong natatanggal pag kinukuskos lng sa pagligo 😊😊
dumi po yan. magbabakbak na po yan nag start na mag self cleaning yung areola mo kaya ganyan. punasan mo lang ng bulak na dinip mo sa maligamgam na tubig. normal lang yan
ganun din po sakin nung una hindi ko ginalaw baka kasi anung mangyari tapos nag tataka na kmi ng asawa bkt ang itim itim na ng didi ko yun pala dumi kaya nilinis namin.
Liludin mo yan may butil butil na matatanggal na parang bato na maliliit mabaho din kaya need linisin para pag nanganak na malinis and lumabas agad agad gatas mo ..