Paninigas ng Tyan
Hello mga mommy ☺ Ano po ba pedeng maging dahilan at magiging epekto ng madalas na paninigas ng tyan kay baby? Akala ko po kasi normal lang sya since okay naman po lahat ng laboratory at ultrasound ko. Kanina po kasi nung nag pa check up ako ang sabi lang po sakin ng dra ko ay mag bed rest lang po ako. Wala po syang sinabing dahilan o magiging epekto sa baby ko. And sabi nya lang po na pag nanigas pa ulit tyan ko ay i coconfine nya na ako. Super worried po ako kay baby. Di ko naman po magawa maka pag ask ng 2nd opinion sa dra. Since, im a single mom di po ganon kadali para sakin ang mag pa check up. Ayoko naman po galawin yung savings ni baby pag labas nya at yung pang paanak ko. Please send me some help.