Rashes

Mga mommy ano kaya pwede ko panggamot sa rashes ni baby na ito, bigla nlang kc nagkaroon xia nian hindi ko nman alam kung ano.. Ung byanan ko kasi ayaw nia ipa checkup sbi nia normal lng daw sa baby ang magkaganyan mawawala din,

Rashes
116 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

try mo mamsh ung sabon na NOVAS ..nagkaganyan din lo ko un ang panghilamos ko sa kanya tapos ung nasa kilay nya kinukuskos kp ng bulak na may breastmilk.. mabilis naalis.. kase dadami yan pag hindi naalis

Yan sis super effective. Reseta ni pedia. Apply umaga after maligo then gabi after mpunasan. Within 3-5 days wala na yan sis. Ganyan din baby ko noon. Wag mo lng lalagyan yung mga malapit sa mata.

Post reply image

Yung sa first bby ko po nag kaganyan sya gatas ko po pinampapahid ko niLalagay kopo sa bulak tas pinapahid ko sa mukha nya bgo sya maligo .. nawala tas parang kumikinis papo mukha nya . 😊😊

Normal lng daw po yan mamsh kasi init yan ng katawan ni baby lalabas at lalabas din yan.. Yung kay baby ko mga butlig butlig na parang may tubig eh pero nawawala na din kasi nagbabalat na sya.

Normal po yan mommy, nag ka ganyan din baby ko, hindi sya hiyang sa cetaphil kaya nag change kami to Mustela, may cream din na ginamit mustela brand, in 5 days gumaling na agad rashes nya

Try Cetaphil Pro AD Derma body wash and use Cetaphil Pro AD Derma moisturizer after iwash. Super effective siya momshie prescribed ni Pedia medyo costly lang pero mabilis nawala kay baby.

Thành viên VIP

Nagkaroon din baby ko . Ginawa ko ung cotton buds nilagyan ko ng virgin coconut oil tpos un ang ginagamit ko pang tanggal. At natanggal naman siya. After maligo ni baby

Post reply image

Normal lng yn until unti din mwawala yn mas mkapal p nga gnyan ng baby ko noon s noo nya dahan dahan ko kinuskos ng Cotton n my baby oil than dahan2 lng pra hindi msugat

Nag ganyan yung baby ko sis pero light lang kasi napapansin ko nag uumpisa na. Ang ginawa ko pinunasan ko lang ng cotton na may water 3 x a day. Nawala din naman.

Ilang weeks na ba baby mo? Ung baby ko nagka ganyan din.. niresita lng n doc sakon yung trisopusre na soapgel at rushfree ointment.. peru normal namn raw yan.