No sign of labor
Mga mommy 38 weeks 3 days na ako pero still no sign of labor 😩 1st baby ko po ito . Nag tatake na din ako primrose oral 3x a day , at tagtag naman . Ano po dpat gawin ,ganito po ba talaga kapag 1st baby . Gusto ko na po makaraos 😬
1st baby nyo po ba mga mommy? Kasi dba sabi nila pag 1st baby umaabot talaga ng 40weeks or minsan nga 41weeks pa. Try nyo po wait mag 39weeks kayo tsaka kayo mag-pinya tapos primrose
share ko lang. mga mommy nasayo po if maniniwala ka. or hindi pero maganda po ito. magpakulo po ikaw ng luya den ayun po inumin umaga at gabi lalo pag labor day mo. share ko lang
Ano na jan mi ,naglalabor kna ba? Ako nag 2cm last night tapos ngayun pag I.E ulit nagbalik na cya 1cm . .nawla na dn hilab at sakit ng balakang ko . .back to zero na nmn hays😥
inom ka pineapple juice mamsh yung delmonte, ako kasi first time rin pero 37 weeks and 1 day nanganak na ako agad e. Kakakilos ko ata rin sa bahay kaya natagtag agad ako.
oo sis ako rin naman maraming higa, after ko gumawa naupo ako o higa kasi masakit sa balakang e.
Tiwala lang kay baby, mommy! Kapag time na niya lumabas, lalabas siya :) pero if it helps nood ka po ng pelvic exercise sa Youtube and kain ka pineapple :)
madami po ganyan. ako po almost 41wks lumabas panganay ko e. nasobrahan yata ako sa pampakapit in my entire pregnancy journey kaya natagalan
39 weeks po lumabas si baby, lakad sa morning at exercise squat yoga sa hapon tapos sa umaga gumagawa ako gawaing bahay, pero ask your OB first if pwedi sayo
ako... 2 araw lang ako nag lakad... black sat... tas sunday... tas nun tue... aun chkup q lang nag labour na pala ako nun kaya d na q pnauwi.. 38weeks...cs
Ako po 39 weeks na lumabas si baby. Sa morning nag eexercise po at ako nag squat. Manood ka maam ng videos sa yt. Sa hapon naman lakad2x sa labas. 😊😊
40 weeks nako ngayon due date na and insert narin ang primrose ko . di na oral 2 days palang ako nag stop ng oral. sana makaraos nako