First time Mom
Hi mga mommy 20weeks na po ako. Ask ko lang kailan kaya ako ipapa ultrasound ng OB ko? Last transv ko kasi nung 1st trimester pa after nun fetal doppler na every check up. Sa end of oct. Pa balik ko kay OB, ano po kaya next step? Ipapa ultrasound na kaya niya ako? Gustong gusto ko na kasi makita si baby sa ultrasound
Hi mommy!! ako dalawang beses lang ako nagpaultrasound. Una tiningnan para maconfirm kung buntis ako yung pangalawa para makita kung may heartbeat na si baby o nagkaroon ng development. Mas prefer ko ata na mas kaunti yung ultrasound. Nakaka enjoy makita si baby pero meaning lang siguro hindi high risk ang pagbubuntis mo at healthy si baby. Yung mga madalas kasi na inu ultrasound yung mga nasa delikadong kalagayan na kailangan ng ultrasound palagi. Kung 20 weeks ka na sure ako next check up mo magpapa ultrasound ka na for gender. Ako kasi next ultrasound ko para malaman na yung gender. ☺️☺️
Đọc thêmLast check up ko was 17weeks ako, and 2x pa lang ako naultrasound ulit yung 1st tri ko yun. then yung mga sumunod na ay fetal doppler na lang since ramdam ko naman na rin si baby sumipa (2nd baby). and next check up ko is after a month ulit, which is 21weeks ako and dun na raw sya magpapapelvic ultrasound kasabay na nung CAS :) so I think di naman need ng madalas na ultrasound unless di maganda yung results ng mga past ultraaounds mo..
Đọc thêmAko kada monthly check up ko inu ultz ako . Chinicheck palagi kung okey baby sa tyan ko 🥰 may charge lang kapag kukunin mo copy ng ultz mo . Pero sakin free lg as in check up lng talaga at ipapakita nya lang sayo yung baby mo kung okey sa loob
same doppler lang gamit sakin ni ob at okay nako dun as long na rinig ko heartbeat ni baby at okay yung sukat nya.. balak ko pa ultrasound 22 weeks for the gender. pwede ka naman pa ultrasound kahit walang req. si OB and you can ask her naman..
change ob sis. Mas okay if ob ay ob sonologist mas natututukan ang kalagayan ni baby. possible OB mo ay di sonologist maya fetal doppler lang ang gngamit. by 20 weeks dapat nakita mo na baby mo through pelvic utz
Hi mi, for your peace of mind, pwede ka po pa-ultrasound kahit hindi irequest ng OB mo. Ang ideal po ay once every trimester lang po ang ultrasound. Kapag high risk lang po madalas inuultrasound
Hi mii, pwede ka naman mag request sakanya na gusto mo mag pa ultrasound na if di pa sya nag rerequest sayo.