Palaging matigas ang tyan
Hi mga mommies I'm 32 weeks pregnant 😊 Tanong ko lang po mga mommies first time mom kasi ako. Di ko sure kung normal lang ba na palaging matigas ang tyan ko, kapag nakahiga lng ako malambot siya. Nagaalala ako kung normal lang po ba palaging matigas ang tiyan or hindi po? Need ko na po bang iinform ob ko, since last week pa po ganto ang tyan ko. Salamat po sa mga sasagot 😊
Yung paninigas ba mi may kasamang pain or pag hilab? If yes inform your ob. If naninigas lang dahil sa movement ni baby, okay lang yon. Sakin kasi ganon. Kakatanong ko lang din kay ob. Sabi nya basta hindi humihilab normal na tumigas pag malikot si baby.
same, kaya minsan kahit sabi ng beanan ko nakahiga kana naman, ndi lang ako makasagot mas naalwanan nararamdaman ko pag nakatagilid ng higa , kesa nakaupo at tayo tayo.hehe..pero ndi naman sya masakit,hindi lang komportable pag tigas nya.hehe
same po mi, ganyan din po ako mas maalwan lang pag nakatagilid or higa. baka po sa kakalakad lakad at gawa natn kaya po naninigas tiyan natn.
Ang pag tigas ng tiyan mami is normal lang kasi habang tumatagal lumiliiy space ni baby sa loob. Possible din na Braxton Hicks contractions sya. Pero watch out mo din lalo na if may kasama ng pain and hilab, better consult OB na 🤗
yes po mi..lahat ng katanungan mo regarding sa journey mo sa pagbubuntis ay kailangan mong sabihin sa ob mo po mi..kc cla ang nakakaalam..kahit sa tingin mo ay hindi kailangan ay dapat itanong mo pa din..
noted po mi, Maraming salamat po bukas po itatanong ko na din po sa ob ko 😊
ganyan din po nararamdaman ko. madalas na pagtigas Ng tiyan ko pero Wala akong nararamdamang sakit ganon. maaaring nag iistretch si baby sa tiyan. Kase pag humiga Naman ako e lumalambot na ulit hehe.
Salamat po mi 😊 baka isa rin po siguro sa dahilan yan kaya po naninigas tiyan ko
Ganyan din po ako 31 weeks ngayon. Natakot din ako pero wala naman po sumasakit. Pag humihiga lumalambot nga ulit.
Braxton hicks contractions yan