OGTT - Most hated test nga ba ng nga buntis?
Mga mommies, how was your experience in OGTT ? Any tips or advice? Kasi sabi nila OGTT is the most hated test of pregnant moms. I'm 26w pregnant, and kahapon nagpacheck up ako, then nag gain weight ako ng 10lbs,then my ob advised me to have OGTT. Medyo kinabahan ako nung pagkasabi nun ni Doc, parang ayoko na tuloy magpa-Test. 😅 Pero my she said, healthy naman si baby. #1stimemom #advicepls #firstbaby
Mindset lng mmy. Ako may gastritis so yung fasting is very challenging talaga. Pero mindset lng. Marami akong kinain at 11pm. 7am ogtt ko. Much better na malamig yung glucose drink. Hindi nmn ako nahilo. May anxiety disorder din ako. Mga bandang 9 medyo gutom at hilo na. Pero pray lng. Repeat OGTT din ako next week 😅
Đọc thêmhindi naman. huwag mag-overthink. ang ginawa ko, since sobrang uhaw ako that time, dinahandahan ko lang inom. huwag isang bugso, di siya yung pampawala ng uhaw eh. 😅lasang typical juice lang siya. yung waiting game siguro nakakainip. i suggest, magdala ng pagkakalibangan like book, pangsound trip or what. 😊
Đọc thêmAko mi kakatapos ko lang kanina. And okay naman. Pinaubos nga agad sakin nung nurse on the spot wala pa 2mins ubos ko na. Dirediretso mo lng inumin. Mejo nakakaubo lng sya after mo inumin kasi nga sobrang tamis. Pero so far okay naman. Umabot ako 3hrs sa procedure kasi nga every hour ka kukunan ng dugo.
Đọc thêmOk lng nmn ung pinainom, uhaw n uhaw aq eh kc bawal uminom. Taz since sweet yta ung juice kya di aq mxdo nagutom. Ung ganot lng ng pang umaga prob q en kinakabahan s result. Kttpos lng ng ogtt q knina, waiting for the result 🤞🏾sna normal nmn
Đọc thêmsa kin okay naman except sa fact na ang tagal mo maghihintay para makuhanan ka ulit ng dugo. sa pangalawa kong ogtt halos masuka na ako kasi nakasumpong ung hyperacidity ko. sa paglagok keri naman kasi gutom at uhaw na ako nung time na yun.
ayoko lang sa ogtt ung mag pasting tas 4x kkuhaan dugo at magpasa ng ihi 😅 huling kaen ko yata is 12am then un test ko is 8am the next day.. tas natapos kami sa 4x n kuha ng dugo at 4x na ihi ng before lunch 🤣
hi mga momsh ako 2x ako pina ogtt una result normal 2nd time ko ayun mataas sugar ko so need tlga nga mga bgong labs mag eextract na nmn ng dugo at glucose urine test ata... pero oki nmn ang timbang at laki ni baby
For me , hindi naman po, lasang zesto orange lang po na hindi malamig, mejo mas matamis lang kaunti sa zesto. Hindi naman ako naduwal. Iistraight nyo po ang inom para di maduwal. Sayang kapag umulit hehe mahal.
Hindi naman kasi sakin wala pang 10 seconds naubos ko na yung juice e. Ang ayaw ko lang is di ka pwede uminom ng water kasi nakakatuyot ng lalamunan yung tamis hahaha pero tolerable naman kaya tiisin. 😁
Medyo mahaba kasi process ng OGTT. Iinom ka nung super sweet drink. Tapos 3x ka kukuhanan ng dugo within 2 hours yata. Tapos dapat nag fast ka din before that. Kakagutom siya mars. 😅
kaya nga po mii, nakaka-kaba tuloy
#TeamOctober2022