37 weeks and 1 day FTM
Hi mga mommies. First time mom here. Nag iinsert na ko ng 2 capsules of primrose every night na nireseta sakin ng OB ko. Pinagstart nya kong mag insert nung nag 36 weeks ako. Then every night din kami nag do ni asawa. Umiinom na rin ako ng pineapple juice and luya with paminta. But paggising ko this morning, pagbangon ko, may biglang lumabas sa pwerta ko. Di ko alam kung oil ba ng primrose yun or baka panubigan na kasi di sya amoy primrose. And now lang nangyari na if ever primrose yun ay bat ngayong umaga lumabas. Kadalasan eh tuwing hatinggabi lumalabas na yun pag naiihi ako at amoy primrose talaga yun. Yung ngayong umaga, di sya amoy primrose. Wala akong idea kung ano to kasi first time mom po. Huhu. Sa monday pa ulit balik namin sa OB namin. 🥺 Last check up namin, closed cervix pa daw ako. 🥺