Transportation

Hi mga mommies. First time mom here. I’m almost 3 mos preganant at mahihiluhin ako dati pa man sa mga sasakyan like cars, buses basta hindi open air However, nung nabuntis ako lumala sya kahit sa jeep basta matagal byahe at motor nahihilo na rin ako. Meron ba ditong nasakay pa rin ng motor? Feeling ko kasi yun nalang ang transpo ko na kinakaya ko pa. Hanggang kelan kayo nagmomotor? TIA##

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

better ask your OB po mi. Ako kasi nagmomotor po talaga kami ng asawa ko. Then tinanong ko si Doc if okay pa rin ba na nakamotor kami since preggy nga po ko. Pinagbawalan na po ko magmotor ni Doc, baka daw po kasi matagtag. Mas better daw po if mag commute na lang. Ayun po, jeep kami palagi papasok or etrike. Pero umuupo po ako sa gitna lagi yung di masyado dama yung alog hehe. Yung hilo, di na po ata talaga mawawala kahit anong sasakyan sakyan hehe. Ingat po palagi mga mi 💗

Đọc thêm

Ako sumasakay pa rin ng motor up until manganak ako (as in nagmotor lang ako papunta lying-in clinic, 20mins before lumabas si baby 😅), pero short distances lang. Within 5 mins ride lang naman ang office/ church/ grocery/ clinic. Pero yung mga matagalang ride na kahit 30mins lang ay ayaw ko na at feeling ko hindi ko na kaya by 2nd trimester. Nahihirapan na ko by then.

Đọc thêm

tanungin nyo po muna si ob mo kung iaadvise kayo kung pwede pa kayo bumyahe pa motor. si ob mo kasi ang nakakamonitor ng pagbubuntis mo. ask muna para sa safety ng pagbubuntis

mas gusto ko mag motor kaysa mag commute feeling ko mas safe kami ni baby kc hubby ko nman nag drive sa jeep kc may mga driver na grabe magpa takbo