Struggles of pregnancy

Hello mga mommies, currently pregnant for my 2nd baby. 8 weeks preggy. Meron po ba same case ko na hindi tlga makakain? Kht konti sinusuka lng. Kht tubig panlasa ko umiinom ako ng mantika 😔. Any advice po? Sa 1st baby ko po kasi d ako nahirapan as in no symptoms. Halos every mins. Nasa banyo ako para sumuka.😭

19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sabi sakin kanina ng OB, konti-konti lang daw po ang kain, at mas ok pag naka straw pag umiinom water. Iwasan daw po muna yung mga maasim or mataas ang acid, kasi yun ung nagpapa trigger. Pinag kremil S nya rin ako 30 minutes before meals (bfast, lunch, dinner) tsaka 30 mins before bed time. Nakatulong naman, nabawasan pagsusuka ko. Wag daw pakabusog po. Kahit tikim tikim lang, pwede na. At onting sip ng water time to time. Pag nasstretch daw po tyan, auto suka daw po talaga. Sana nakahelp, 2nd baby ko rin po at mas malala tlaga ngayon ang nausea at vomiting ko 🥲 kapit mi!

Đọc thêm
Thành viên VIP

Try niyo po mag ginger tea, lemon juice, or pepper mints. Tapos try mo lahat ng pagkain magpabili ka, mahahanap mo rin ang pagkain na hindi ka masusuka. Sa case ko nung ako, di ako makakain ng gulay, fish at chicken, mamantika etc. pero may resto na napagbilhan ng asawa ko yun lagi inuulam ko nagpapabili ako. Tapos kapag nasusuka ulit ako dun sa pagkain na yun, balik sa powdered milk nilalagay ko sa kanin para hindi ko malasahan ang kanin. Sulang suka ano nun sa amoy at lasa ng kanin.

Đọc thêm

same pero yung mga crackers like Hanzel saka Fita nagtry ako the next day nararamdaman ko nabawasan panghihina ko saka yung sobrang hilo. Maybe you can try crackers and unting unti lang talaga. try niyo po every 30mins saka more pahinga. One more thing pa pala, if iinum ka ng water unti unti lang din. Wag paabutin sa point na parang puno ng yung tiyan ng water. Dalasan nalang sa pag inom ng water basta katamtaman lang. Sana po makatulong.

Đọc thêm

Same po. Nag start nung 7 weeks until now na 9 weeks. Dalawang subo lang ng ako ng kanin kasi nasusuka ako. Grabe ang acid ko. Wag ka po iinom ng tubig habang kumakain or after kasi lalo lang masusuka. Try ka po ng ibat ibang foods ganun ginagawa ko ngayon then eat small frequent meal. Malansa lahat ng panlasa ko sa karne kaya ginisang gulay ang bet ko kainin.

Đọc thêm
3y trước

Ako naman po Ang pait ng panlasa ko,sinisikmura din me.pag Kumain naman me ilang subo pa lng nasusuka na ko

Ganyan po ako sa 1st baby ko. ang ginawa ko is nagtatry ako ng mga crackers and small amount of food kahit sinusuka ko sya just to make sure na kumakaen ako. now, sa 2nd baby ko kabaliktaran hehe as per my OB, iba iba daw po talaga ang symptoms every pregnancy. minsan daw dumedepende sa gender. 😅

me right now, 7 weeks preggy and 1st baby ko. grabe yung suka ko maamoy ko lang yung kanin or any ulam. ayaw ko sa amoy ng manok, pork. ayaw din sa ginisa at ayaw sa tubig ,puro nalang ako lugaw. pero sinusuka din after. kahit prutas ayaw din. sobrang pait na ng sinusuka ko. 😭

3y trước

Ako rin po 9 weeks pregnant now ganyan din.pero pinipili ko po Kumain kso Ang ending suka ko rin😭😭

Same struggle mommy. Buti nawawala na po yung morning sickness ko ngayon na 9weeks na. Noong 5-7 weeks hindi din ako makakain. Pero lagi ako may dalang tinapay kasi yun lang kaya kong kainin. Until now ayoko parin ng mga may amoy ng ginisang bawang at sibuyas 🥺

same case din minsan nakikita ko mama nag gigisa nasusuka tlaga ako tpos kung titingnan mo yung ulam masarap pero kapag kakain na ako parang hirap lunukin mga apat na subo lang ako ok na kasi kapag masubrahan ako sa kain parang masusuka ako .. ang hirap. talga.

Thành viên VIP

dont worry mommy its normal po..lihi stage..im on my 12 weeks of pregnancy same case tau..2nd baby ko na din..sa first ko ganito din...mga 4 months mawawala din to

salamat sa mga sagot mommies, 9 weeks na po ako now, mejo nalessen na po pagsusuka ko. pero may times pa rin lalo na kapag nakakaamoy ako ng nagluluto.