Storing pump breast milk

Hello mga miii.. Pde ko po bang pagsamahin ung breastmilk na na pump ko sa magkaibang oras? For example, nag pump ako ng 1pm tas 1oz lang sya so nilagay ko sa refrigerator tas mga 6pm nag pump ako ulit kaso 1oz lang sya ulit. Ung baby ko po kase is nakakaubos ng 2oz kada Dede nya, so pde ko po ba pagsamahin ung dalawang pump na magkaibang oras sa Isang lagayan? Sorry po d ako familiar sa ganto FTM po.. thanks..

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pwede naman po pero dapat same temperature po sila ☺️ ang ginagawa ko before, yung bagong pump ko, ilalagay ko na lng din sa ref. Then kapag same temp na sila, then saka ko ita-transfer sa bm bag for freezing. Pero kung hindi ko na naman ifi-freeze ang for immediate consumption naman (within the hour), inuuna ko nang ibigay yung newly pumped without putting sa ref or mixing ☺️

Đọc thêm